Tama po si @wizz, huwag masyadong dibdibin yung WA SS exam, hehe... ;-) Google-Google lang 'pag may time, hehe... Tapos, nagbigay din naman 'yung WA ng mga links kung saan mahahanap yung mga sagot (http://www.migration.wa.gov.au/skilledmigration/Pages/Statenominationtest.aspx). Nagamit ko rin po itong "reviewer" doon sa exam: http://www.immi.gov.au/allforms/pdf/994i.pdf 🙂 All the best po sa mga magte-take!
Regarding naman doon sa breakdown ng settlement funds, isasama na rin dito 'yung estimated monthly cost of living (housing rent, food (home-cooked meals or take-aways), transportation, utilities (electricity, internet, water, pang-load ng credits sa prepaid mobile, etc.), entertainment (if any, like cinema tickets, amusement park tickets, etc.), etc.). 'Yung sa akin, isinama ko pati kung magkano ang magiging airfare ko papuntang Perth at 'yung fees para sa pagpapa-cargo shipment ng mga ilang gamit kong naka-kahon, pati 'yung expected bond/deposit kapag magre-rent na ako ng uupahan ko.
When I joined this thread, sinimulan ko sa page 1. Back read na lang din po tayo ng kaunti, on your free time. Marami-rami na rin pong na-suggest 'yung ating mga kaibigan dito na mga tips ;-)