<blockquote rel="Bryann">@Metaform
Hahaha. No need for eternal gratitude pare. Ito yun explanation.
<b>Package:</b> Ibig sabihin, magkasama na base salary mo saka superannuation. Superannuation yun parang SSS sa Pinas. Parang mga private companies ito na naghahandle ng social security mo. Meron ka choice kung saan mo gusto i-deposit ni employer yun super mo. Which is at least 9% of your annual salary. Anyway, lumalayo ako sa topic.. package lang ibig sabihin yun naka-advertise yun na yun buo makukuha mo (Gross).
<b>Base + Super:</b> Kunyari base salary naka-advertise 80k + Super. Ibig sabihin dun sa 80k mo per annum, hindi dun kukunin yun deduction na atleast 9% sa super. Kaya ko sinabi at least 9% kasi pwede ka magvoluntary na dagdagan yun, para mas malaki savings mo pagtanda mo. Mas okay kapag ganito, kasi yun package lahat na yun. So ibig sabihin mas malaki makukuha mo sa A) 80k+Super kaysa B)80k package kasi sa (B), dun sa 80k kakaltasan yun ng super pa.
<b>P.D.: </b>Ibig sabihin per day. Mas malaki usually mga sweldo nito pag compute mo sa 38 hour weekly, yun nga lang temporary lang siya. Pwede ito part time job kung may time ka. Mga on the sides ika-nga.
<b>P.H.: </b>Same as above, yun nga lang per hour ito.
Re: Bonus: Which means may bonus ka, let's say sa Sales ang trabaho mo.. kapag na-reach ang quota meron pa added incentives. π
Hope this helps.</blockquote>
Idagdag ko lang...P.F. per fortnight or every two weeks.
@Metaform, naghahanap ka na ba ng offer? hehe...Look for employers that are willing to jack up the superannuation... Yung salary increase kasi hirap inegotiate pero yung super hindi mahirap hingin kasi may tax concessions sila pag mas marami sila binibigay sa employees nilang ganun