<blockquote rel="thegreatiam15">@TotoyOZresident
bossing natouch up ko lang tong forum topic na to curious lang ako sa nature nang klase nang trabaho nang isang draftsperson, designer or drawing manager/coordinator diyan sa australia.
gaano kahectic ang schedule nyo?dito kasi sa SG nagOOVERTIME pag general contractor (main con) tapos site office magulo sigawan murahan bastusan tapos end of the day kelangan matapos ang trabaho by any means necessary kunware may goal kayo na 100 days
pag consultant naman maaga uuwe pero mababa sahod hehehe
pag designer naman laging may take home job
right now consultant ako pero decent lang salary ko which is ok pero di ko maiwasan minsan naglilinger sa isipan ko anong klase nang trabaho ano itsura nang offices papaano kayo bumanat nang drawings diyan?
sana bossing makwentuhan mo naman ako at mafeed curiosity ko kahit wala pa ako sa australia salamat
anyway ano na pala main software platform na ginagamit nyo?dito kasi more on the "BIM MOVEMENT" kami kahit na yung karamihan hindi masyadong marunung pwersado ngayon.
normally may confusion kasi sa BIM specialist at draftsperson pero napakalaki nang pagkakaiba non.
</blockquote>
Wala akong idea sa contractor mayrun naman cguro dito na sigawan pero hindi naman ganun palagi o sobra. May batas kasi dito sa work link: na http://www.fairwork.gov.au/ Iniiwasan kasi dito yung bullying. Kaya hindi puede dito yung magbiro o mang-asar dito sa co workers na tulad sa atin. 😃 Baka makasuhan ng bullying at harassment>>> http://www.fairwork.gov.au/employee-entitlements/bullying-and-harrassment
Mayrun din naman na overtime o kaya kapag weekend mayrun din sa mga contractor.
I work in engineering consultant naman. Okay naman halos parehas din naman ang work. Pero mas relax dito sa ACT mag work dipende din kasi yan kung saan state ka mag tratrabaho at what type of company kung multi-national or local company ang work mo. Ang designer di naman nalalayu yan sa consultancy. Puede mo naman iuwi ang work kung may deadlines. Syempre busy ka rin naman kapag nasa bahay kana dahil wala ibang tutulong sa mga gawain bahay kung hindi kayo lang ng family mo.
Okay yan, BIM kailangan mo yan kung sa building ang work mo. Kaya puersado yan kasi para organized or connected ang bawat building services plan. I mean Family tawag dun. Ngayun pa lang ako nag aaaral ng Revit kaya ngayun ko lang nalaman napaka powerful ang revit sa building drawings.
cheers