Before, we were thinking of hiring a migration agent. Pero sa pagbabasa ko ng iba't-ibang forums and paulit-ulit na basa ng mga booklets, naisip ko na basta sipagan ko lang and maging resourceful lang, kaya namin ng walang migration agent. Na-complete and nasubmit namin lahat ng requirements on our own last June.
So my suggestion is basta sipagan nyo lang, kayang-kaya yan. And as far as I know, agents will just provide you guidance pero kayo pa din naman mag-aasikaso ng requirements nyo like pagkuha ng TOR and diploma sa school, magcocompose ng CDRs (para sa mga engineering graduates), kayo pa din ang magpapractice and kukuha ng IELTS, kayo pa din ang hihingi ng employment reference letters sa companies nyo, kayo ang magpapamedical. Pag nacomplete nyo na requirements nyo, ang dali na lang i-submit or iupload online.
Isipin nyo din na medyo may kamahalan ng bayad sa kanila.
That's my 2 cents.