hi, about sa topic na ito, naisip ko din mag-migration agency pero nagtanong ako sa mga kakilala ko (dating officemates in the IT field) na may PR visa na sa Australia. all of them applied without an agency. sabi nila straightforward naman yung nasa website.
advantage ko kasi madami ko napapagtanungan, bukod dito sa pinoyau forum.
may pinuntahan din akong migration agency, may free assessment sila, I sent my CV at may feedback yung migration agent kung ano yung chances na makapunta. (based on work experience, education). then may one-on-one orientation sa office nila.
bale P60,000 daw yung processing fee, nung 2011 yun. not sure ngayon.
nag-take na pala muna ko ng IELTS bago nagtanong agency. pero kung di pa ko nakapag-take willing daw sila bigyan ako ng IELTS review materials kasama na sa fee.
Subclass 175 ang akin, Skilled Independent.