@RED @mistakenidentity
Nag-Initial Entry ako before Christmas 2014, 6 days sa Sydney, 4 days sa Melbourne
Sa Sydney ako nag-land mga 9:30PM, smooth lang yung pagdaan ko sa Immigration and Customs.. habang nakapila sa Immigration, may nag-iikot na Customs tapos nagtatanong kung may dala kang food or pera na more than 10K AUD and chncheck yung declarations mo doon sa customs form…
Sa Immigration naman hiningi lang passport ko, then wala nang tanong tanong tinatakan lang ng Arrived then sinabi dun na daw ako lumabas sa ‘Nothing to Declare’ ng Customs.. Then sa Customs, may nakaabang doon na officer kukunin nya yung form mo…
Mga 10:30PM na ko natapos, sa airport mismo may train station (Airport Link) papuntang City kaya bumili nako nung 7-day MyMulti Pass (~$88) na pwedeng magamit unlimited rides sa Buses, Trains, and Ferries.. Yun na rin ginamit kong transport From/To the Airport kaya nakatipid ako sa Taxi.. mga ~$50 kasi one-way ng Taxi from Airport to City...
Naglakad lang din ako from Train station to my hotel, then may mababait na Aussie na tumulong sakin i-locate yung hotel sa maps ng phone nila.. Sarado na kasi mga shops sa Airport kaya wala pakong SIM.
Malapit sa Central Station yung nakuha kong accommodation ‘Oaks on Castlereagh’, walking distance lang yung CBD, Shopping District (Westfield, Queen Victoria Bldg., etc.) and mga 30 mins walk yung Sydney Opera House and Circular Quay… Mga first 2 days ko lakad-lakad lang ako para ma-familiarize ako sa doon sa City.
Madali lang i-navigate yung City, and magkakadikit yung attractions.. then pwede nyo magamit yung MyMulti ticket nyo to go to the beach areas (Bondi, Manly) or sa Taronga Zoo, pati doon sa papuntang Blue Mountains..
Maganda yung Vibe ng Sydney nagustuhan ko sya talaga hehehe 🙂
Melbourne naman, kakaiba sya sa Sydney… medyo European yung feel, saka maraming mga Museums.. Madali lang din umikot sa City kasi may Free na Tram doon sa touristy na mga zones…
Based sa experience ko mababait yung mga Aussies and matulungin sila, saka mahilig silang mag-enjoy and magkatuwaan.. parang mga pinoy din 🙂
The may mga pinoy din ako na-meet, friendly din sila, kwento kwento na maswerte daw tayo na before pa tayo magpunta sa Australia ay Permanent Resident na tayo...
Tapos nag-offer din sila, if ever daw need ko ng accommodation, may room daw sila na available..
Kelan plano nyo Initial Entry?