To all.
Dalawang bagay bakit nahihirapan makakuha ng trabaho ang isang Asian as of this writing, firstly, you are directly competing with Brits, Europeans and Americans not to include the Indians and Chinese na binabagsak nila ang presyo nila; secondly, adjustments.
Hindi pa rin nakakaahon ang European market neither Amerika. Ang nangyayari ngayon sa ibat ibang states is sa Adelaide nagpapasukan mga Indians na sila na mismo nagbabayad sa employer para magkaroon ng "local work experience" and ang mga Chinese via real estate investments. The difference kasi is that once nasa ibang bansa na ang culture ng 2 Asians na yan is they help their countrymen pero ang Pinoy hindi. Unfortunately, mahilig ang Pinoy magpataasan ng ihi and hindi nagsasabi ng totoo which translates to false hopes. Binasa ko ang buong thread dito medyo nagulat ako how things were described and explained but I won't get into details. May nabasa din naman ako na tamang suggestions like you need to understand ano ba ang culture dito when it comes to work. You need to research paano ba ang gumawa ng CV ala Aussie way. Kahit tumingin kayo sa www.seek.com.au may section duon na nagsasabi papaano ba sumagot sa isang application:
You need draft an application letter. Content should emphasize the required skills as per PD (position description).
You need to change the format of your CV. See several samples marami kayong makukuha from internet kahit sa seek or mycareer or careerone meron yan. 4 components dapat meron kayo sa first page ng CV i.e. Career Summary; Career Achievements; Key Competencies; Education and Training. Wag kayo mahilig sa salitang "I" na sinisimulan ang sentence. 2nd and 3rd page dapat nasulat nyo list of job positions, company worked for, key duties and roles and project involvement, if any. Wag masyadong makwento diretso sa punto.
Lahat ng makikita nyo na sinasabi sa ads dapat ipasok nyo both sa application letter and sa CV nyo dahil may software na ginagamit ang ilan na pag hindi nagmatch ang keywords kahit saan sa CV nyo hindi kayo mashort list. Meaning: hiningi sa job ads excellent in using MS Project.. dapat masulat nyo yan either sa Key Competencies or anywhere sa CV. Pag sinabi na essential skills dapat lahat yun meron kayo kaya dapat yun ilalagay nyo sa CV nyo, pag sinabing desireable e sana meron kayo dahil mas mapipili ka.
You need to customise your CV based on what is required.
Wag kayo mawawalan ng pag-asa. For example, nasa Sydney ka wala kang makita sa Sydney but that doesn't mean hindi ka pwedeng humanap sa ibang region. You just need to check your visa. The reason why a Sydney guy or gal moves to Adelaide, Melbourne or Perth dahil wala silang nakuha sa unang state na pinuntahan nyoa which is Sydney. Dahil praktikal sya kaya hindi nya nilimit sa Sydney options nya. Dapat ganyan din ang mentality ng karamihan.
Blue collar jobs mas malaki bayad kesa sa white collar. IT jobs kung may expertise ka e madali kang makakuha pero kung generalist ka e mahihirapan ka dahil saklaw ng mga caucasians yan. Meaning kung Oracle guru ka in demand ka ikaw ang hahabulin pero kung IT Project Administrator ka or Executive Assistant medyo tagilid dahil ang unang machecheck sa iyo e yung fluency mo sa English so talo na tayo nyan sa Europeans na kalahi nila.
Normal na di kayo mapapansin kung wala kayo dito sa Australia at kung nandito naman kayo dapat wag kayo magstick sa kung ano lang ang isang alam mo kundi dapat iexpand mo pa ang knowledge and skills mo. Maging praktikal dahil sa dulo ng araw pera ang kailangan mo dito hindi uso yung "Wow manager ka pala" dahil dito mas malaki pa ang kitang isang interstate truck driver or fork lifter kesa sa isang manager.
Don't be discouraged sa mga sinasabi ng ilan na mahirap ang buhay sa Australia dahil ang basis nila malamang e sa Pinas may katulong na titingin sa anak mo, may magluluto para sa iyo, madaling tumambay sa kanto at higit sa lahat tagalog ang usapan. Hindi assurance ng continuity ng buhay nyo sa Pinas o Singapore o Saudi o iba ang mangyayari sa inyo dito sa Australia. Kakaunti lang ang makakaexperience nyan at suswertehin ng todo.
The reason why ang mga Pinoy e nag-iisip na dyan din pala sa Pinas pupunta after several years e dahil sa mentality at culture dito pati weather. Masakit sa buto ang lamig hindi pa nga nagsnow. Sino ang magbibigay ng pagkain sa iyo pag may sakit ka at matanda na? Iba ang way of life sa Pinas mas nakakamiss perhaps yan ang ibig sabihin ng ilan pag sinabing mahirap ang buhay. Kung darating ka na may anak dito e siguradong masakit sa likod dahil una depende sa trabaho ng asawa mo kung kaya nya na siya lang ang magwork e for sure 2 kayong magwork para mabigyan nyo ng magandang buhay ang pamilya nyo. After work e mga anak nyo naman iintindihin nyo kasi bawal maiwan ang anak ng walang adult supervision likewise ikaw din ang magluluto etc etc.
Anyway, nalayo na ako sa topic. Ang CV mo ang susi mo sa isang interview. Kung palagay mo di ka makakuha ng interview yan e dahil sa CV mo. Baguhin mo at icompare mo. Mag google ka. Pag na interview ka ng recruiter pero di na nasundan isa lang din yan hindi ka articulate. Remember englishan dito dapat matatas ka so practis din maige wag mahiya. Kung tingin mo kulang ka sa skills mag pa enrol ka dito ng mga short courses. Likewise pag nandito ka na wag ka manghinayang pumasok as volunteer o kahit yung work experience na tinatawag na walang bayad sa mga councils o mga NGO dahil ang kailangan mo is local referess at local work experience. Yan ang dahilan bakit magdadalawang isip sila. Unless hindi ka talaga akma sa pinapasukan mo.
Habang nag-aapply kayo at inaanalyse nyo bakit nahihirapan kayo e samahan nyo ng taimtim na dasal. Again, CV and application letter ayusin at iakma sa job post na inaapplyan, pag di ka makakuha ng interview baguhin mo pa rin. Kung nagkainterview ka naman at di masundan ng client interview yung english mo irecord mo at pakinggan mo so praktis ka and be confident. Lastly while you guys are doing these exercise tumingin kayo ng mga volunteer work and free work experience. who knows dun sa mga offices na yan biglang magkaopening edi bago irelease sa labas e ikaw na muna interviewhin and magkakaroon ka ng instant na referees at malalagay mo sa CV mo na working ka sa Australia , so called local work experience.
remember walang mahirap sa taong masikap. Mas mainam na ishare nyo yung hirap na dinaanan nyo then paano nyo naovercome kaya napunta ka sa situation na yan. WAg mawawalan ng pag-asa.
Kung wala pa kayo sa Australia I suggest mag-praktis kayo maige ng english nyo (verbal) at mag-apply apply kayo para macheck nyo kung papansinin ba kayo ng recruiters o hindi.
Have faith!