<blockquote rel="peach17">so based on all your insights, san talaga mas mabilis makaipon assuming tamang lifestyle lang.... sa SG or sa AU?</blockquote>
subjective yung question... sagot is dipendi :-)
kahit nasa pinas ka pwede ka makaipon. Dipindi sa life style.
As long as young spend less than you earn - you should be alright kahit saang bansa ka located.
SA Austrlaia, mas ma-force ka "cguro" magtipid pag nakita mo yung exhange rate....
- unang dating namin... kahit pagod na kami kakalakad at hanap ng work hindi kami makabili ng softdrink kasi ang mahal. Nag babaon na lang kami ng tubig.
Naging maganda din outcome kasi hindi healthy madlas uminom ng sofdrinks.
Eventually, nasanay na kami na hndi bumibili ng softdrinks up to now.
Kung nag sisigarilyo ka.. makita mo presyo ng sigarilyo dito--- bka ma force ka na tumigil mag yosi sa mahal hehehe...
Sabi nga ni Tas, hindi sila makatravel madalas kasi mahal ang airfare - makakaipon ka.
- actually ang nag papamahal lalo is yung expenses pag uuwi ka ng pinas .. syempre balikabayan.. epxected na marami ka pera dolyares ang kita.
Bago kami nakauwi ng pinas inabot kami ilang taon. Nakakainggit yung nasa Singapore na mga kakilalako kung umuwi ng pinas 4x na beses sa isang taon.
Kung madalas ka kumain sa labas, pag na compare mo presyo ng food maiisip mo na magluto na lang sa bahay.
May health benefits :-)
Kung mahilig ka sa mga chips or chichiria.... makita mo presyo sa mga vending machine ang mahal.. maiiwasan mo kumain ng mga chichiria.. gawin mo na lang bumili ka sa Coles or Wollies ng MARAMI pag nag SALE (1/2 price) hehehe....