Hello! Ask ko lang kung may similar case dito tulad sakin. Kasi I'm currently based in HK and nagpag-certified true copy ako ng passport. Ang requirement ng Philippine Consulate dito is i-photocopy yung pinaka first page ng passport, then yung passport data page, then lastly yung pinaka last page ng passport.
So after ko pina certify sa kanila, ang nakuha ko ay yung first page may seal at stamp na "Original Seen" then naka clip (stample pero nde stapler gamit, parang circular metal clip) together yung succeeding pages na passport data page at yung last page ng passport.
Ang problema is yung first page lng ang may stamp then yung data page ng passport ko at ung last page wlang stamp, may dry seal lng pero ewan ko kung kta pag na-scan.
I-acccept ba yung ng ACS, let say include ko lahat ng pages with the first page na may stamp?
Second question, Kasi yung nag pa-notarized naman ako ng documents sa Pilipinas, ang ginamit ko yung old passport ko, so yung sa stamp ng notary nakalagay na identification no. ko yung old passport no. Ngayon, nakapagrenew nako ng bago passport, so kailangan ba parehas na passport ang issubmit ko sa ACS for verification?
BTW, magssubmit pa lang ako ng application sa ACS.
Last question, meron na ba sa inyo nag submit ng Birth Certificate instead of passport, kasi sa guidelines, pwde either Passport OR Birth Certificate?
Thanks sa inputs nyo!