<blockquote rel="del125">Hi,
Humihingi po ako ng advice nio. Last year pa ako nagbabalak na magsimula at nakapagsimulang nagtanong palang kasi lito din ako kung anong assessing body ako mag paassess. Anyway, isa sa mga expert ang nag advice na dito sa ACS ako. Makapagbigay lang po ako ng description ko po, at I hope for your advice.
Comp Eng po ako, nag work ako sa pinas ng 10 years, more on software/desktop support lang po ako. Pagdating ko dito sa SG, napunta ako sa Industrial Controls (Controls engr/Automation engr), 2 years na din ako. Bale ang skill set ko sa SG job: system integration, application development (SCADA), basic networking, industrial protocols, controller (PLC) programming, instrumentation, basic electrical, etc. Bale eto po yung IT side ng mga ibat ibang planta, gas, petrochemical, pharma, HVAC.
Binasa ko yung ANZSCO code, swak naman ako sa Software & App programmer at Software engr. Inaaalala ko lang yung 10years kong previous experience kasi di yata akma sa mga napili ko.
At kung bigyan ko man ng pansin ang 10 years na experience ko (ICT support engr), hindi kaya maapektuhan ang maaaring pag aaply ng job po jan kung sakali man?
I would appreciate for your advice.
Thanks.
🙂
</blockquote>
Don’t worry ang nominated occupation is purely for migration purpose lang. you can be nominated as a teacher and when granted pr work as an office staff, it doesn’t matter na.