hi po sa lahat.
matagal na ako nagbabasa basa but ngayon lang po ako magtatanong π
nasa Singapore po ngayon and work as IT Executive.
ang last kong company sa pinas nagchange ng name for some reason after ko magresign. almost 4yrs pa nmn ako dun and Senior Desktop Support ang position ko po. according dun sa ka work mate ko na nandun pa until now, lahat daw ng COE na irere-quest eh maguunder na sa current name ng company. magkakaproblema po ba incase yung bagong name ang ibigay sakin sa COE ko with company letter head and signature ng HR Manager?
salamat po sa mga sasagot.