Hi, may question lang ako about sa pag file ng Review or ng Appeal.
I applied for assessment this June 2018, then I received a feedback last Aug na kailangan ko mag provide ng additional document. So I provided even the latest COE from my current company, dated Aug 2018 din. After a few days ko mag provide ng documents, nareceive ko na yung assessment letter ko.
I started my career ng July 2006, then nagbawas si ACS ng 4 years (bec of my course) so yung qualified experience lang is July 2010 onwards.
Yung assessment sa akin, bale July 2010 to June 2018, which is yung date ng 1st submission ko sa ACS. Nanghinayang ako kasi lumalabas na 7yrs and 11mos experience ito. 1 month short of the 8yrs experience na mas mataas na ang magiging score sana. Hindi nila naconsider yung latest COE na sinubmit ko, which is Aug 2018. Magiging 8yrs 1month sana ang experience ko kung naconsider yun.
Kailangan ko pa magfile ng review, or may laban ako kung Appeal ang isasubmit ko? Kung review kasi, same document lang din naman ang ibibigay ko, which is yung latest COE from my current company. Kung appeal naman, may pag asa kaya na manalo ang case and marefund ko ang $395 na additional fee?
Hope someone can answer. Thank you!