May problema po ba sa ACS ngayon?
Same day kami nag submit ng partner ko. Nauna lang sya ng ilang oras. Last Oct 10, nareceive ko na result nung saken while still waiting for my partner's result.
Oct 11 - Nag email ACS. Missing document daw. Yung diploma and TOR wala daw. Sigurado ako na triniple check ko yung application, nilakihan ko mga mata ko bago magsubmit. Kaya sure ako na wala akong namiss. Promise.
Anyway, nagsubmit na lang din ulit ako ng updated. (Same file lang din inupload ko sa system)
Twice sila nagpa upload kahapon. Twice ko din inupload sa system.
Oct 12 - Nag email ulit ACS today. Missing document na naman 😭 This time, about sa isang employer. Nag upload ulit ako sa system. Sinend ko din sa email yung screenshot na nag upload na ako.
Sana umokay na. 😭 Hirap kumalma.