Makikisali lang din sa discussion hehe
In my case I plan to visit the major cities, at least Sydney and Melbourne, para makita ko lang muna kung saan ko mas gusto ko, like yung sinabi ni @rareking, in terms of cost, livability, weather, and job prospects...
syempre may mga research research na mangyayri before the big move, and although "visiting" the major cities is barely scratching the surface on what the city has to offer medyo magkaka-idea nako...
share ko lang din like nung hindi pa ako nakakarating ng US.. tingin ko, swak sa lifestyle ko ang New York, pero nung makarating nako doon pakiramdam ko masyado syang crowded, yung mga tao medyo____, yung pakiramdam ko hindi ako safe, lahat mahal, and the weather... minsan na ttake for granted ang weather, pero doon na yata pinaka-worse winter na naranasan ko..
Now nung makapag-stay naman ako ng San Francisco, mas nagustuhan ko doon kasi maraming Pilipino, andaming kalapit na States ng CA na maraming mapapasyalan, yung weather malamig din pero very similar to pinas, madaming engineering jobs sa Silicon Valley, etc..
so basically mas preferred ko na ngayon yung isa than the other.. kaya parang ganun din yung ineexpect kong mangyayari sa Oz