Hi all.
Sa wakas napadala ko na docs ni hubby kanina for assessment. Ang aga ko sa Robinsons Manila. Here's my feedback:
First stop DHL, then Fedex, then LBC....
Ayaw tanggapin for all the same reason na POBox yung address. Naghahanap ng ibang address. E anong magagawa ko, yun lang ang nakalagay na address for AMSA. Nakakapanggigil kasi last November, I was able to send docs to a POBox address in UAE via DHL, ngayon ayaw na nila tanggapin. Did you have the same experience? Mas preferred ko pa naman sana either DHL or Fedex kasi mas mabilis and mas reliable. Their response left me no choice but to opt for Philpost.
Philpost
Good grief they are open on weekends. The lady in charge was very helpful. Paid Php944 for Express Services (yun daw pinakamabilis). Approximately 5 days yung SLA. Hay, dagdag sa nerbiyos to kung kelan matatanggap yung docs ko. Pray pray lang talaga na it will be delivered on time. Di muna ako magblog while di pa natatanggap yung result ng assessment.
Post away your courier experience and recommendation.