@ChidoRodgers - Nabawasan ako ng 5 points dahil hindi nag-match ang number of years of professional experience ko sa ACS at sa dine-clare ko sa EOI.
Nung nag-apply kasi ako ng ACS, almost 7 years na ang work experience ko. I've been working since Sept 2007. Nung lumabas ang ACS result ko, na-consider nila ang work experience ko from Sept 2007 to April 2014, so almost 7 years, kaya nag-claim ako ng 10 points sa EOI.
Kaso, kahit na-consider ng ACS yung experience ko from Sept 2007, ang starting count nila ay from Sept 2009. So dibale, nabawasan ako ng 2 years. Hindi ko alam kung bakit binawasan ng ACS even though related naman sa field ko yung work ko nung 2007-2009.
Eto ang dahilan bakit ako nabawasan ng 5 points dahil dapat raw, 5 points lang ang ni-lodge ko sa EOI instead of 10 points dahil less than 5 years na yung na-consider sa experience ko.
Anyway, na-approve-an naman ang visa. Sinabihan rin ako na marami rin raw na nagkakamali about this.