@misisv
Actually wala ako ibang documents na dinala para proof na hindi na kailangan. Wala kasi binigay sakin ang CFO at POEA kasi nag tanong lang ako sa kanila through phone.
Dala ko lang is passport at ung visa grant.
Medyo tumagal ako sa immigration sa pinas dahil dyan, nangyari kasi na hindi kabisado nung officer ung visa number. Ang dami pa nyang pinuntahan at pinagtanungan kung kailangan ba talaga ng PDOS, tinawagan nya ung CFO office for PDOS, nung na-inform na sya na hindi na kailangan, OEC naman hinanap. Kahit sinabi ko na hindi kailangan kasi hindi naman ako OFW at sinabi ko na tinawagan ko na sila, gusto pa rin nya ng proof. Tinawagan nya ulit ung office ng POEA. Ayun na prove nya na hindi na kailangan ng PDOS at OEC.
Matagal kasi wala silang list ng visa na excepted ng PDOS at OEC. Pero sure ako as of March 2017 na hindi na kailangan.