@bonez said:
Hello po!
Sa pinas na po pala ko nakastay ngayon, pero worked and stayed in SG for 10yrs.
Nag apply na po ako online ng COC (meron na kong application reference number).
Pwede na po ba ko mag fingerprint impression dito sa pinas? or need ko pang hintayin eemail ni SPF?
And pano po process ng fingerprint impression sa pinas?
Thanks in advance π
Hello,
AFAIK, much better kung antayin nyo po yung email from SPF. Doon po kasi nakalagay yung explicit instruction to get the finger print impressions. Need nyo din yung receipt attached to that email when sending the impressions to SPF.
Isang Tip na nashare sa akin nung personnel na kumuha ng fingerprints sakin, i send daw right away to Singapore ang impressions kasi SPF prefers it that way. IDK if totoo pero sinunod ko na lang.
You can get your finger print impressions from your local police stations, as long as meron personnel na certified. I did mine sa Camp Crame (Forensics Group) para sure. For sure, meron din sa regional precincts (depende po sa location nyo), just contact them in advance na lang.
After getting the impressions, I sent it thru DHL. Super bilis lang kung weekdays meron ata sila 1 day lang.
Yun lang hope this helps.