Mga Sir/Mam, question lang po. Last year pa po kasi ako huling naglulurk sa forums kasi di ko pa naman po namimeet yung mga requirements na target ko pero nitong nakaraan po eh nagstart na ko ulet.
Last time kasi na nagreview ako ng process ng TRA eh ang procedure po ng pagsusubmit eh through certified true copies (with roll numbers and other details pa nga ng mag cecertify) pero ngayong nagather ko na documents ko and magsusubmit na ko, nung rineview ko ule yung website ng TRA and yung guidelines ah through scanned copy and email na ata ang procedure. That means po ba no need na yung magpapa CTC pa? Ibig sabihin iscan ko lang mga documents ko then follow nalang yung procedures sa application?
Kakatapos ko lang po mag english test sa PTE and so far acceptable naman po ang result (10 points), so far para maka 60 points po eh kelangan ko maghintay ng mga 6 months pa para makakumpleto ng 5 years experience. 55 palang kasi total points ko kung sakali. Sayang kung di sana nagkulang ng 2 points yung listening ko 65 points na sana. Anyways may processing time pa naman ata ang TRA kaya after ng result eh onting time nalang ang hihintayin para makapagsubmit ng EOI.
Thanks po.