@palkoopz
for single food: AUD 5/day. Nagluluto ako, so ang 5 dollars, sobra-sobra na. Mura ang food dito sa Adelaide kumpara sa ibang States. Sa Coles ako nag-grocery kasi mura dun. Kung family kayo, siguro 10/day ok na.
Accommodation nyo ranging from 200 to 300 /week. Depende sa location, mas malapit sa city, mas mahal ang upa. About bills, about 100/month.
About sa job application. Madugo dito ang labanan pre. I-tailor mo ang resume mo sa bawat job na aapplyan mo. Paghandaan mo ang interview, magpractice ng speaking at i-memorize ang mga technical terms. Magbasa ka ng tips about interview, magagamit mo yun.
Sobrang tindi ngayon ng competition sa workplace kaya kapag nagka-chance kang makaharap ang employer for interview, give your best shot!
3 kaming ICT dito na bago, in 1 month nagka-work na, pero may kasamang swerte yun pre. Dapat ang baon mo pang 6 months. Kung hindi kaya, iwan mo muna ang misis mo at anak mo, papuntahin mo na lang sila dito kapag may work ka na. Yan ang ginagawa ng ibang pinoy na pumupunta dito.