Hello, I have never been to Dubai. But I worked in Qatar for 12 years. Medyo similar lang naman kasi parehas Middle East. So palagay ko, pwede ko i-share ang opinion ko dito.
Kung papipiliin, AUS na tayo.
Maganda ang MidEast, kung ang habol mo lang ay kumita. Why not? Walang tax, makukuha mo ang salary mo nang buo. In addition, maganda benefits ng mga professionals sa Mid East. Kung ang habol mo lang ay kumita, at makaipon, at bumalik ng Pinas kapag matanda ka na, piliin mo ang Mid East.
Pero kung ang habol mo ay overall quality of life, bukod sa magandang sahod, Aus na tayo. Mas relaxed ang buhay dito. Noong nasa Qatar ako, para akong alipin ng sistema. Walang balanse between work and life. Puro kayod. Pag uwi ng bahay, pagod na pagod na ako.
Dito mas masaya at mas maluwag ang buhay at trabaho. Maganda ang tanawin, hindi puro buhangin. Madali makapasyal. Less ang stress and mas accomodating ang mga tao sa paligid.
Hindi mainit gaya sa Mid East. Makakapamuhay ang mga anak ko nang masaya, at makakalaro sa labas.
Kung PR ka, less expenses sa schooling din ng mga anak compared sa Mid East.
Also, life in MidEast looks so temporary. Yun bang alam mo na anytime, maaari papauwiin ka ng Pinas. No chances of becoming a citizen.
In Aus, you can establish a permanent life here once you become a citizen.