Hello, hindi pa ako nag-work sa Dubai pero I came from Singapore na mga 2% lang ang tax. Like Dubai, napakarami ring sale sa Singapore, kasama na airfare sale! Marami ring mga pinoy na kasama.
Tax din ang concern ko nung una, dahil super mababa ang tax ko sa SG. Pero sa 3 months ko rito sa Sydney, may increase parin ako sa savings kahit 30% ang tax rito. Malaki rin kasi ang Base Pay, which is about 90k-130k per year para sa mga mid-level IT Professionals. Not sure sa ibang profession pero siguro, same range rin.
Pwede ninyo i-check sa www.paycalculator.com.au kung magkano ang magiging Net Income. May mga jobs rin sa www.seek.com.au na nag-papakita ng salary so pwede ninyo rin i-check at i-compute.
In terms of expenses, nabubuhay ako rito ng $1,500 AUD per month (food, 1-room rent, transpo, others). Medyo parehas lang yung gastos nasa SG ako. Pero single-living ito ah, wala pa ako family. Sa isang Investment Bank ako nag-work sa SG at maganda na ang rate ko dun, pero rito, nakakagulat na pwede pang tapatan yung kinikita sa SG and even mag 50%-80% increase or even dumoble yung NET income rito (especially kapag naka-Day rate) kahit malaki ang tax.
Lastly, yung for Long-Term security. Mahirap kasing maging OFW pang-habang buhay. Just like Dubai, nakatali rin yung work-pass sa Employer kapag nasa Singapore ka. At kahit yung Permanent Resident sa SG, eh may chance ma-revoke, unlike sa Australia na pwede mag-upgrade to AU Citizenship.
At the end of the day, depende pa rin sa inyong personal preference and decision. 🙂