<blockquote rel="wizardofOz">hi @peach17, nag-visit ako recently lang sa melby pero nasa offshore ako ngayon.
yung tram na papuntang St. Kilda may bayad na sya kasi medyo malayo-layo na yun.. pero yung "City Circle" tram, where yung mga nabanggit ko above are located... libre lang sya..
Kung hindi ka naman masyado mahilig sa beach, or gustong-gusto makapag-beach, and makapag-rides (Luna Park) I think okay lang na hindi mo na puntahan yung St. Kilda... Honestly, hindi naman ako na-impress hehe π</blockquote>
Parang enchanted kingdom ba ung luna park. Parang kapag nakikita ko yung smiling clown sa internet reminds me of horror movies hahaha. How do compare melbourne and sydney pala? Mas maraming pasyalan sa sydney?
Di nmin na try ung city trams kasi may baby kami at stroller at madami din tao kapag rush hour and minsan umuulan. Plus di ko alam route at kung free ba. One time sobrang lamig ng umaga, then before lunch uminit nagtanggal ng winter jacket mga tao, tapos hapon hanggang gabi lakas ng ulan.
Ok din tlaga sa may federation square, sarap magpahinga, malapit lang dun ung hosier lane and st paul church. Pwede din pumunta sa melbourne visitor center may mga maps dun at brochures