Salamat po..Actually di po malaki tinaas, kung mapapansin nyo same lang halos lahat tumaas lang ako sa Reading. Reading din kase prob ko nung una kaya diko nakuha agad superior, I was 78, kung 79 sana no need to retake. Ang ginawa ko to improve sa Reading was practice to read ng mabilis with comprehension nag search lang ako sa web ng techniques. But I think ang nakatulong talaga was yung pag aral ko sa PTE Academic top tips, kase may tinuro sila jan techniques na applicable sa exam mismo. Siguro more than 5 times ko binasa yung top tips haha π Tsaka yung sample responses sa offline, ginaya ko style nila para di na ko mahirapan sa exam, effective naman for all L,R,S and W.
Tsaka po pag nagpasked kayo exam try to choose yung day na tingin nyo konti lang tao like weekdays, kase ang hirap magexam ng may kasama. I had that problem sa 2nd take ko, although 3 lang kami ang lalakas ng boses ng mga kasama ko na sobra naistorbo ako sa pageexam ko na tinawag ko na ang facilitator kaso kahit nasabihan na sila maingay pa din. Di naman need malakas boses kase conversational level lang dapat salita pero go pa rin sila grrr. I wanted to stop na sa exam kase nawalan talaga ako ng gana at feeling ko bagsak na ko dami ko baluktot na salita. Pero sabi ko ang mahal nito, ituloy na lang, bahala na si batman. So, after every skill tinry ko pa rin magconcentrate kahit ang iingay kasama ko, pinilit ko na lang ayusin total nadon na ko. After the exam sabi ko sa hubby ko, ready na ko mag 3rd take kase disaster ang 2nd. Kaya nagulat po ako na nakuha ko pala desired score ko nung lumabas result. No need na pala mag 3rd take heheh kaya God is good. Pero kung di ko nga nakuha go lang ng go sa PTE kase ang laki ng angat sa scores.
pag may tanong po kayo, you can pm me...π