Hi po! Baka lang po may same situation dito tulad sa husband ko, need lang namin advise niyo regarding Statutory Declaration/Affidavit.
My husband previously worked po sa Dubai for 2years. That time financially struggling napo company nila, for his 2years stay sa company delayed ung sweldo nila. They stopped issuing payslip and even salary bank transfer. Cash na binibigay ung sweldo nila kasi kulang kulang po. Sadly, nung covid natuluyan na talaga magclose ung company nila.
But my husband left the company po before covid and currently working siya sa Singapore.
We're starting to gather documents for VetAssess. Gusto namin macredit din 2years expi niya sa Dubai but the challenge is ito lang po mga documents na meron kami, Offer Letter, Labor Contract, Visa & Emirates ID. We are planning to provide Statutory Declaration/Affidavit para sa Statement of Service & Payslip na di namin mapprovide since close napo ung company and even ung Immediate Supervisor ng husband ko na Indian e hindi din kasi responsive sa linkedin.
Ang tanong ko po is, para sa Statutory Declaration/Affidavit, wala po ba issue kahit sa Singapore or sa Pinas kami magpanotarise?
Thank you in advance po sa tutugon!🙂