1995 - 1st time ko sa Sydney. Sa Coles malapit sa Hurstville, malay ko naman ikaw mismo kailangan magbag ng groceries mo at bata pa ako nun. Sagot sa akin ng cashier "bag it yourself'.
2006 - 2nd time sa Melbourne. Me lasing nakasuit pa ang lalaki ha naglalakad ako pauwi an dami ko pa naman dala nun at uphill sya pinagtritripan ako di ko maintindihan pinagsasabi hinaharangan daan ko. Buti na lang at inawat sya kasama nya at pinadaan ako.
Another day, me mga teenagers sa kotse sinisigawan ako habang nagdradrive e naglalakad lang ako. Deadma lang ako pero nakakatakot at baka bumaba sila bigla.
Tapos sa Adelaide, ganun din isang Linggo. Mga lalake din sa loob ng kotse pinagsisigawan ako habang naglalakad.
Muka kase akong inchik at maliit pa ako baka kala Koreana ako o Japon.