<blockquote rel="KTP">Just to share. I sent an email to Philippine Embassy in Singapore regarding NBI. eto reply nila saken
You may go to Window 1 of Phil Emb and ask for a set of nbi application form . Then you will be guided to the office of Defence for fingerprinting.
Bring along the ff:
2 - passport size pic
photocopyof passport
photocopy of IC
See you!
Sergeant Carbon
Admin Assistant
OPhilDAFA Singapore
Embassy of the Republic of the Philippines
20 Nassim Road, Singapore 258395
Tel: +65 6235 2825 Fax: +65 6738 5512
I don't know lang gano katagal ang pagprocess. I'm still checking this with them. </blockquote>
Kakagaling ko lang po last week sa embahada natin sa Singapura.
eto po ang kwento:
dumating ako 2:50pm, pinapasok ng guard at sinabing pumunta directly sa window 12.
pumunta po ako sa window 12 at tumayo at pumila habang ang iba ay kumukuha ng kanilanag passport, after 15mins nag pagtayo napilitan akong magtanong dun sa tao sa counter 12, ang sabi maghintay lang daw ako at dadating din yung tao for NBI clearance. So antay ulit ako ng 30 mins, lumapit muli at nagtanong kung kailangan ko ba ng queue number at dahil di ko alam kung pano ako matatawag, sabi sa akin umupo lang daw ako at tatawagin ako. 45mins na ang dumaan at dagdagan pa ng 15 minuto pa, meaning 1hr na ako nag hihintay.
Lumapit muli ako sa window 12 para mag follow-up, ganun pa din ang sagot, magantay.
Makalipas ang 15minuto, yung mamang palakad lakad simula nung dumating ako eh sya palang magaasikaso sa amin. Pag pasok sa room, hinanapan ako ng form. Sabi ko wala ako form, san po ba kukuha nun, sabi sa akin sa Window 8 daw. Nangatwiran ako, sabi ko 1hr ako naghihintay ni wala nagsasabi sa akin na mag fill up ako nang form. So lumabas ako at nag fill-up matapos ko makuha ang form sa window 8. Mga 15mins din ang inubos ko sa pagfifillup, matapos ko mag fill up, pumasok ako sa room....dyaran!!!!!!!!!!!!!!! wala na si mamang palakad lakad!!! kailangan ko na naman maghintay, so 30mins muli ang dumaan ng sya ay muling bumalik at tawagin ako..
sa loob halos ng 2 oras, 2 tao lang ang kumuha ng finger print form at ganun katagal ang inabot namin, nagpapasalamat nadin ako at nakakuha na ako.
Eto dapat ang gawin as of 12Dec2012
So pag dating sa embassy, diretso sa Window 8 kumuha ng forms.
Fill up-pan at pumunta sa Window 12
Antayin tawagin.
;-)