@twickn29zero said:
@carbon21 said:
PTE Exam: June 14
Exam Location: Makati
Scores:
Speaking - 90
Reading - 89
Writing - 90
Listening - 90
Overall score - 90
Experience:
Bawal po tanggalin ang face mask and face shield while inside the examination room. Ipasok nyo po ang mic sa loob ng face shield and make sure you are satisfied sa mic testing portion (naka 5 times akong try para sure akong okay ang mic ko). I suggest po na magdala kayo jacket lalo na if malamigin kayo since malamig dun sa loob ng room. Nasa 20 kami sa iisang room tapos one seat apart. Maririnig mo talaga nagsasalita yung mga tao kahit nakasuot na yung headphones mo, lalo na kung malakas magsalita haha.
Sa exam naman, medyo alanganin performance ko kasi sobrang kabado ko, kahit sa intro pa lang nagstutter ako konti hahaha. Sa RA part nagstutter ako paminsan minsan at may isang item sa RS meron akong di natandaan sa middle part ng sentence (first and last few words lang nasabi ko). Sa DI, RL, WE, SST ginamit ko lang template ni jimmyssem. R&W: FIB madali lang kasi more on grammar lang ang nasa choices, hindi yung parang sa apeuni na nakakalitong words. SWT kinopya ko lang yung mga sentences tapos pinag-dugtong dugtong ko lang. Sa WFD naman nagpractice talaga ako bilisan mag type para nasasabayan ko yung pagsalita. Nanghula lang ako sa lahat ng MC and RO.
Di ko ineexpect yung mataas na score ko, sobrang nakakagulat. Akala ko magreretake ako para sa 79 na scores sa lahat ng sections.
Maraming thank you po sa tips and tricks din dito sa discussion na ito! Dito ko natutunan manuod ng jimmyssem vids at magaral sa apeuni haha
Congrats po, ang galing at ang taas ng score mo π
Ask ko lan, ano po ung WE and SST? May sample sentence/template ka po? Wala po kasi akong makita sa YouTube kay JimmySSem.. ang nakita ko ung DI and RL lang ung meron.. malapit na din ako mag-take ng PTE ko so sana mahit ko din ung high score like you.
Thank you.
Hi, di ko na mahanap yung SST template na ginamit ko sa youtube. Sa pagkakaalam ko kay jimmyssem yun eh.
Yung WE may template si jimmyssem, eto:
https://www.youtube.com/watch?v=Kq8bltOlX-c
Yung easy version ang gamit ko.
Yung SST template ko eto:
This lecture mainly talks about __________. Firstly, the speaker emphasizes that __________. Also, he/she mentions that __________. Lastly, the speaker believes that __________. In conclusion, __________.
Take ka nalang ng notes dun sa lecture na ipaparinig sayo tapos singit mo nalang dyan sa blanks, just make sure na tama ang grammar and spelling mo. Di ko sure kung yan ang pinaka-effective na template sa SST pero yang ang ginamit ko sa exam.
The rest like DI and RL nasa youtube ni jimmyssem din. π