My time to share some tips for PTE dahil alam ko na madami ding nagbabasa at naghahanap ng tips dito tulad ko. I took the exam yesterday in Makati at 9AM and got the result by 5PM. 21 days, 2hours/day ako nag-aral using APEuni app at YouTube.

Since limited lang po ang oras ko pagrereview, hindi na ako nagtry magsagot sa APEuni app, ang binabasa ko na po dito ay yung answers. Pag nabasa ko na yung mga sagot, saka ko sasagutan para macheck kung naaalala ko yung mga sagot. Makakasave ka ng time dito at iwas lito din kasi ang maaalala ng utak mo yung sagot na nabasa mo. (gets po ba? hehe)

SPEAKING
Read Aloud - yung techniques ni Jay at Jimmyssem ang sinunod ko dito, yung babasahin mo na magkadikit yung dalawang words like it is --> itis at kind of --> kindof. Yung mga -tion ang dulo, ginawa ko lang -shan example nation --> neyshan. Bukod don, wala na, nilakasan ko lang ang boses ko at hindi ko binilisan ang pagsasalita ko. Nagkamali ako dito ng siguro less than 5 words, may mga naskip ako.
Repeat Sentences - pag nagdadrive ako papunta at pauwi sa work, pag naliligo, nagliligpit ng plato, nagluluto, etc., pineplay ko lang yung videos ni Jimmyssem, eto ang links:
https://bit.ly/3h4V8rp
https://bit.ly/3LQIOZP
Kaunti lang ang lumabas mula sa mga samples na galing sa YT pero malaking tulong yung pakikinig sa mga examples kasi matututo kang magcapture ng message. Madami ako naging mali dito sa totoo lang, siguro mga around 20 words ako sumablay, pero dirediretso lang ang salita ko as if confident ako sa mga sinasabi ko.
Describe Image and Retell Lecture: Jimmyssem template all the way, wag na magduda, gumagana siyang talaga. :wink:
Eto po yung link: https://bit.ly/3LJlP2S
Answer Short Question : APEuni app - again, hindi na ako nagtry magsagot, binasa ko lang mga sagot para makasave sa oras, ginawa ko lang eto hours before the exam
WRITING
Summarize Written Text : nabasa ko lang din po dito sa site, Singh PTE Classes ang ginamit ko, sobrang dali ng template niya.
Eto po ang link: https://bit.ly/3JHqrEX
Write Essay: Skills PTE Academic, minemorize ko ang template. Madali mo lang mamemorize kapag lagi ka nagpapractice.
Eto po ang link: https://bit.ly/3h27sbS
Sa writing skills, matataas po yung scores ko sa APEuni app at nung nagmock exam ako sa PTE naka 90 ako, hehe. Kaya maniwala ka dyan para mabawasan na intindihin mo hehe :smiley:
READING
APEuni App lang ginamit ko dito - uulitin ko po, diretso na po kayo sa mga sagot para yun na yung unang pumasok sa memory niyo. Pag sinubukan niyo pa kasi siya sagutan sa una, macoconfuse pa kayo kapag inulit niyong sagutan. May pailan-ilan na lumabas sa exam galing sa APEuni App. Nagplay safe din po ako sa Multiple Answers, isa lang ang pinili kong sagot kasi Right minus Wrong po dito. Sa Reorder Paragraph, maganda po yung tricks ni Jimmyssem: https://bit.ly/34TabCa
LISTENING
Summarize Spoken Text - nabasa ko lang po dito sa group yung template:
The speaker was mainly discussing KEYWORD 1.
Firstly, he/she mentioned KEYWORD 2.
He/She then talked KEYWORD 3.
In addition, he/she discussed KEYWORD 4.
Moreover, he/she described KEYWORD 5.
Finally, he/she concluded KEYWORD 6.
Pag madami pa kayo nakuhang keywords, pwede pa kayo magdagdag ng mga verbs like said, raised, etc.
Multiple Choice (Multiple and Single Answers), Highlight Correct Summary - wala na ko time magpractice para dito, nakinig na lang ako sa mismong exam. Nagplaysafe lang din ako sa multiple answers, isa lang ang pinili ko.
Fill in Blanks - hindi na din ako nakapagpractice dito. Habang nagsasalita, sinasabayan ko yung speaker at binabasa ko na din sa utak yung mga words. Concentration is the key. Gamit ka din ng TAB sa keyboard instead of using mouse kapag lilipat ka na sa next blank para hindi mawala ang focus mo.
Highlight Incorrect Words - APEuni App lang, masaya 'tong part na to. Medyo tricky. Pero favorite ko 'to. Tulad nung sa FIB, habang nagsasalita, sinasabayan ko yung speaker at binabasa ko na din sa utak yung mga words. Concentration is the key.
Write from Dictation - Type directly sa keyboard. Yung first two/three letters lang nung words ang itype para makasunod sa speaker. Kapag hindi ka sure, itype mo pareho ang sagot kasi walang negative markings dito. For example eto ang sinabi: His academic supervisor called in to see him last night.
Habang nakikinig ganito lang naitype ko:
Hi aca sup cal in to see him last night. (yung dulo ang nabubuo) tapos babalikan ko na lang:
His academic supervisor called in to see him last night.
Tapos kung di ka sure kung supervisor o supervisors, itype mo pareho:
His academic supervisor supervisors called in to see him last night.
Tips yan ni Jimmyssem: https://bit.ly/33HGPpG
Other tips:
Purchase APEuni - I availed VIP 30 days for 14USD. May Mock Exams na din sila.
Practice PTE Mock Exam if you still have budget. I took two mock exams para lang macheck kung gumagana ba yung template ng WRITING. Mababa ang nakuha kong scores sa Speaking (54 and 60 lang), siguro dahil sa headset na gamit ko. Dahil mababa ang grades ko, pinagdudahan ko din tuloy yung template ni Jimmyssem sa DI at Retell Lecture pero pinili ko pa ding magtiwala sa mga nagpatotoo dito. Hehe
REST on the day or night before the exam. Hindi ako nag-aral, naghotel pa kami malapit sa Trident para lang fresh na fresh ako sa araw ng exam. Hehe
Kumain ka na bago ka pumunta sa exam site kasi walang kainan don sa building. May malapit na 711. Dahil mahilig ako magkape, may baon ako coffee at ininom ko yun bago pumasok sa room pampaboost hehe.
Arrive 30mins before your scheduled time kasi may mga registration pang gagawin. I-ooff din ang cellphone bago pumasok sa testing area kaya sabihan mo na yung asawa mo bago ka pumasok. Bawal din ang alahas kaya wag ka na magsuot ng kahit ano kasi huhubarin mo din yan. Pwede ang jacket basta walang laman. Bawal ang panyo. Passport at locker key (kung saan mo ilalagay ang mga gamit mo) lang ang bitbit mo sa loob ng room.
Maingay sa testing area. Kaya pag nagmomock test ako, nagpplay ako ng background noise para masanay ako sa ingay. Eto ang link: https://bit.ly/3IcnhIT
Make yourself comfortable. Tinagalan ko talaga yung pagsisimula ko. Paulit ulit ko tinest yung mic ko at matagal ako doon sa instructions part dahil gusto ko lang marelax muna bago magstart. Naginhale exhale muna ako dito at nagconcentrate sa screen. Hanggat hindi ka pa nagseself introduction, hindi pa nagstart yung 2 hours mo kaya icondition mo muna sarili mo. :blush:
Last but not the least, PRAY. Kung hindi will ni Lord, kahit anong aral ko, hindi ko yan kayang ipasa. Pero kapag sinabi Niya, ibibigay Niya yan sa akin.
Everyday, bago ako magreview, I recite Jeremiah 29:11-12:
"For I know the plans I have for you, declares the LORD, plans for welfare and not for evil, to give you a future and a hope. Then you will come upon me and come and pray to me and I will hear you."
Tapos sinasabayan ko pa ng Luke 1:45:
"And blessed is she who believed that there would be a fulfillment of what was spoken to her from the Lord."
Competent lang ang kelangan kong score pero nirequest ko kay Lord na Superior. He's indeed very faithful to His promises!!! THANKS BE TO GOD!