Oras naman po para magshare ako ng mga naging useful tips, techniques or practices ko while practicing and during exam.
Sinunod ko lang po lahat ng tips ni @chemistmom. Sa dami po ng available templates online pati mga tips talagang nakakaoverwhelm pero kailangan mong mamili ng format na kumportable ka. Magtiwala po kayo talagang effective format nila Jimmyssem. Andito na po lahat ng mga tips na makakatulong sayo makuha desired scores mo: https://pinoyau.info/discussion/4233/pte-academic/p693
Other tips:
1) Know your learning style.
Para sakin importante po ito, kinausap ko parents ko kaya nagresign ako to focus sa PTE. Ayoko na kasi maulit yung sa IELTS experience ko dati na di ko nabigay best ko dahil kasabay ng pagrereview ko para sa certification exam namin. Mas effective po sakin yung alternate days na aral tapos rest kinabukasan and so on. Eto po yung kalendaryo na ginamit ko para mamonitor ko progress ko. Pero kung mas effective mo sa inyo yung 2-3 hours daily wala pong problema ang mahalaga may progress ka.

May konting inedit lang po pala ko sa templates ng essay at SWT. Feel free to use po or edit kung gusto niyo.
2) Sobrang useful ng mga tips ni Jay sa Youtube na 2 hours. Expert talaga siya sa scoring. Better na panoorin niyo po nang buo yun para maabsorb niyo fully pero kung may time constraints ito yung nagawa kong summary nun.






3) During practice, dapat realistic yung simulation ng exam room set-up. Wear headphones (thankfully dumating yung akin 2 days before exam date), play BG noise, normalize na may magulo sa paligid (in my case yung 2 toddlers kong pamangkin) and wear face mask. Para sakin napakachallenging po nung nakafacemask kasi given na may oras yung exam nung practice feeling ko malalagutan ako ng hininga sa RA, RS, DI at RL. Mahalaga na sa practice nadidiscover niyo na po weakness/es niyo para maitama o maimprove pa kesa sa actual exam mo na malaman.
4) Practice. Practice. Practice. May nabasa po ako somewhere na hindi ka dapat maging complacent na kaya mo na kaya di ka na magpapractice kasi kung talagang magaling daw sa English bakit di mag-IELTS. Sana wag po mahurt dito kasi totoo po ito bilang pareho ko na din natake both exams mas madali talaga ang PTE basta tama at sapat na practice. Saka mahal po yung exam fee na 10-12K kaya practice lang po kaya yan.
Bumili po ako ng APEUni VIP pass: Nasa PhP 800 good for 30 days. Naka-2 mock test ako dito pero ang target ko talaga at least 10 pero dahil sa change of plans umikli yung time ko magmock exam. Apr 02 po kasi orig sched ko eh worried ako baka di ko masustain momentum kaya pinalipat ko nung Mar 21. Pasalamat nalang ako at maganda resulta ng pambubudol ng pamilya ko sakin na ipalipat ko na.
Eto po link nun: https://www.apeuni.com/en
P.S. As my way of paying it forward, pwede ko po ipahiram sa first 3 people na nagtitipid yung account ko sa APEUni. Comment or PM lang po. Pag-usapan niyo nalang po siguro yung scheduling ng gamit para makapagpractice mabuti.
Inavail ko din po yung free mock tests sa mga sites na ito .
https://www.79score.com/ (1 free complete mock test)
https://www.languageacademy.com.au/auth/login (1 free per subtest and 1 free complete mock test)
5) Kung may oras pa po, manood ng PTE videos sa Youtube (Sonny English, Jimmyssem, Jay, Moni etc). Nakatulong din po to sakin sobra.
6) Focus. Totoo po yung sinasabi nung iba na madaming pwedeng mangyari during exam kaya dapat ready ka. Nung nagmamock-exam ako nadidistract ako ng mga pamangkin ko at may times na may nasiskip akong parts kasi kailangan ko sila silipin. During exam, yung masasabi kong related dito eh yung di maiiwasan na may mga co-examinees kang mapapatingin sayo o di kaya ikaw ang macucurious sa ginagawa nila kaya dapat focus ka lang at mind your own business. Meron din po kahapon naririnig ko intro ng mga katabi ko syempre di mo maiwasan makinig kasi nakakarelate ka sa kanila. Nasa first 10 ako ng examinees sa PM batch at pagpasok ko sa room nagtataka ko bakit wala pa nagsisimula eh may mga nauna na sakin. Nagfocus nalang ako sa ginagawa ko at 5 times ko po chineck yung mic kasi may mga ilang tries ako na sabog boses ko. Tama po sila na di pa naman po magstart oras basta wala ka pa sa RA portion.
7) Maghanap ng matinding motivation. Bakit at para kanino mo ba ginagawa to? Sa una nakakapressure talaga pero makakatulong na slowly maayos mo yung mind setting mo. During review, inisip ko lahat ng mga pinagdaanan kong hirap sa exams nung college at pati na din sa trabaho kaya pag inaatake ko ng kaba iniisip ko nalang di ako dapat sumuko kasi may mas mahihirap pa kong mga pagsubok na nalampasan na. Saka di ko ineentertain yung idea na matitigil ako sa EA assessment dahil sa English exam. Mahalaga po na mapalakas mo loob mo kasi ikaw lang lahat magsasagot sa day ng exam. During exam, inisip ko naman po na nasa prison cell ako at kailangan kong makalabas kaya kahit talagang sumasabog puso ko sa kaba di ako nagpatalo inisip ko na kailangan ko matapos na dito sa paghihirap na to.
8) Magdasal. Nung college may kasabihan po sa Faculty namin na Aral.Puso.Tiwala.Dasal. During practice at sa exam mismo yan po ang lagi ko iniisip na di ako pababayaan ng Diyos kasi alam niya na binigay ko best ko kaya nagtiwala talaga ko sa Kanya.
9) Iwasan mastress during exam day. Muntikan na po ako dito madali kasi nagcommute lang ako from Bulacan to Makati almost 3 hrs 1-way lang. Buti maaga ko umalis 9 am lang pero mga 11:45 ako dumating sa testing site kaya kumain muna ko. Mahalaga po talaga na makarelax kayo at least 1 hr before magsimula exam para nasa kondisyon isip niyo.
Good luck po sa future takers!!! Kayang-kaya niyo po yan. Kung kinaya namin, mas kaya niyo. Laban lang!!!