@Unsullied_06 said:
Hello po ulit, as promised, ito na yung additional tips na isheshare ko para sa future takers ng PTE exam.
Ito bale yung mga binago o dinagdag ko during practice at actual exam.
Speaking Part
RA - Sinagad ko na confidence level. Feeling ko reporter for a day ako at medyo malakas boses ko pero di na ko naconscious. Pag nabulol ako, di ko na cinocorrect tuloy lang sa pagbabasa.
RS - Nakakatawa pero pumipikit ako sa part na to para mas marecall ko yung sinasabi ng speaker. Effective sakin tapos pag sobrang wordy nung sentence intentional ko na di sinasabi yung words na in the end mabubulol lang ako para kahit bawas sa content eh mataas ako sa fluency.
DI, RL - Jimmyssem template all the way. Wag na po kayo magduda gumagana pa as of May 2022.
Writing Part
SWT- Ginamit ko pa din yung Albeit format. Pero ngayon as much as possible di ko pinapalampas ng 35 words kasi during practice mas mataas score ko pag 32 words for example ang ginamit kesa 38 words.
WE- Ginamit ko pa din yung Although such topic format. May mga cinorrect lang akong few grammatical errors sa format sa youtube at pinacheck ko din sa magagaling mag-English na family at friends. Tapos mga 4x ko chineck yung overall grammar: spelling, tenses at punctuations.
Reading Part
FITB R&W-Ako nasa 2-3 mins per item ako dito kasi malaki points. After ko supplyan ng words mabilisan ko binabasa yung full text para makita ko kung may off dun sa buong paragraph. Dito ko nadedetect yung mali sa una kong napiling sagot.
MCMA-Maximum 1 min lang ako dito pag di ko nagets yung passage shotgun ako sa sagot.
ROP-Mahirap pero kaya sa practice. Yung mga linking words at shift from noun to pronoun ang one of the most common clues.
FITB R-Nasa 1-2 mins per item same sa FITB R&W ginawa ko
MCSA-Eto least priority ko okay lang na 1 o 2 mins matira kasi mas okay ka dito magshotgun kesa magsuffer yung 2 FITB parts kakamadali.
Listening Part
SST-Last March ginamit ko yung jimmyssem template ng DI, RL dito pero ngayong May binago ko na. Ang sinunod ko yung the speaker was mainly discussing...format. Better na nasa 60 yung total words kesa close to 50 or 70 based po sa resulta ng mock exams ko nag-eexperiment kasi ko.
MCMA-Nasa 15-20 secs lang ako dito shotgun pag di alam kasi mauubusan oras sa ibang parts.
FITB-Kung fast typer ka better na diretso na magsagot kahit abbreviations muna pero kung average typer ka gaya ko mas effective sakin na sa writing booklet muna magsagot. Listen attentively kasi pambawi to kaya dapat maperfect.
HCS, MCSA, SMW-Same ng diskarte sa MCMA 15-20 secs lang para makapagtira time sa WFD.
HIC-Listen attentively ulit tapos yung cursor isunod sa binabasang words. Ang goal din ay maperfect to para makabawi sa points.
WFD-Intentional na nagtitira ko 6 mins dito pinipilit kayanin kaya binibilisan ko sa previous parts. Ang goal ko kasi at least 2 mins each per question. Ang ginagawa ko after after item 1, 30 secs rest bago ko istart yung item 2 and so on para maclear muna isip ko at maretain lahat para mataas points kong makuha.
Other good practices na pwede ko ishare:
- Overall grammar refresher. Ang daming items about tenses, prepositions, collocations. Madaming compound at complex sentences kaya be careful sa intervening words para di mamali kung singular o plural word na gagamitin.
- Practice more. There's no substitute to hard work. Mahirap po talaga lalo yung Reading at Listening pero sakin more mistakes nung mock exams eh naglead to more learnings din. Kaya yan. Nung first take ko nung March naka 3 o 4 full mock exams lang ako nung practice pero ngayong 2nd take naka 14-16 full mock exams ako. And please don't be disheartened sa ApeUni results lalo sa speaking di reliable scores dun. Sa 12 mock exams ko sa ApeUni, Competent at Proficient lang overall scores ko never naka-Superior kaya laban lang.
- Kabisaduhin yung sequence ng exam types per sub-part para mas manageable yung timing ng paglipat sa questions. Tapos yung remaining time sa SWT, WE, SST pwede mo gamitin para mag-CR kung gusto mo pero ako ginagamit ko to para huminga at iclear isip ko para sa mga susunod na parts sinasagad ko bago isubmit kahit may tira kong 4-10 mins.
- Niretain ko yung paggamit ng kalendaryo to monitor progress. Tapos may sinet akong target no of practice questions ng selected items vs actual na nagawa ko tapos ginagawa kong carry-over the following day pag di ko natapos.
- Mas reliable scoring sa Language Academy at 79score pero limited lang yung free mock exams kaya better sa dulo na to gamitin.
- Nabasa ko lang sa thread, ginaya ko yung nag-advice na effective yung paggamit ng writing materials. Nagpalaminate ako 2 oslo size papers at ginamit ko nung practice maganda talagang gawin.
*Watch as many Youtube videos as you can lalo sa RS at WFD parts. Recommended channels ko tong Language Academy at BeatThePTE. Ito yung mga links nung pinanood kong videos kung saan galing yung 3 items sa RS at 2 items sa WFD ko kahapon luckily. Ang diskarte ko po dito, since June 03 exam ko ang pinanood kong videos nila ay May 29-June 04 coverage ng predicted questions. Adjust accordingly nalang po yung dates based on exam date niyo.
WFD
1) https://www.youtube.com/watch?v=GyT6H3YGGDU
RS
1) https://www.youtube.com/watch?v=S_y-5KMqDZ4
2) https://www.youtube.com/watch?v=W5TERKPUaAk
3) https://www.youtube.com/watch?v=iFjblK_uzfQ
4) https://www.youtube.com/watch?v=P5ypQu7wYAk
5) https://www.youtube.com/watch?v=tDDub8dfySY
Good luck po sa mga future takers! Gagraduate na din po kayo dyan tiwala lang. Practice at dasal lang talaga.
Congrats!! Tuloy tuloy na 'yan! 🙂