@jrgongon number 1 ako sir, so parang magkahilera lang tayo hehehe
I can say na mataas talaga magbigay si PTE-A ng score compare to IELTS.
Sobrang laki ng pasalamat ko sa daming ng tips dito sa thread na to.
Napakalaking tulong talaga, paglabas ko palang ng test room inasahan ko na
hindi na ako papasa, lalo na sa speaking kasi narinig ko yung mga kasabayan ko
e tingin ko magagaling talaga sila sa speaking, nagulat nalang ako na yun pa ang
mataas ko na score hehehe.
Eto lang ang ma-share ko, to give confidence sa mga kukuha plang ng exam, this is coming
from a person na hindi magaling sa English.
Speaking
Read out loud:
First, nakapagaling nung tip ni @misscpa, na practice na basahin yung text before mag
record, ganung gnun ang ginawa ko, malaking bagay kasi alam mo na talaga kung saan ka dapat mag pause and kung saang words na mag hestitate. Para pag dating ng recording e
halos sanay ka na sabihin yung mga words and sometimes pwede mo pang lagyan ng accent
kasi nga medyo sanay ka na basahin hehehe, and sa pace, imitate ko yung mga pace sa mga
comedy series na pinapanood ko, yung parang casual lang na pagsasalita pero tuloy tuloy,
mga 1 week na gnun ginawa ko tpos minsan sinasabayan ko yung salita nila sa sub title,
well that works for me, kaya maybe some can give it a try 😃 about sa loudness, hindi ko
masabi kung malakas ba talaga ang pagsasalita ko or normal lang, basta ang ginawa ko,
dun sa testing palang ng recording inayos ko na yung position ng mic na ang labas sa
recording ay malinaw, nakailang adjust din ako dun sa mic bago ko nakuha yung gusto
kong output ng recording and bago ako nagproceed sa mga start ng exam, based kasi sa
mga nabasa ko dito, tingin ko critical yung output ng recording based sa position ng mic,
so make sure na satisfied kayo sa output before you proceed.
Repeat sentence:
For me need talaga sobrang focus ka dito, hindi kasi maiiwasan na habang papakingan mo yung recording e minsan nagsasalita yung mga kasabay mo, which is normal dun sa exam
room, kaya try to focus dun sa recording and repeat the sentence as mush as you
remember, may nakalimutan din ako na konting part sa sentence pero parang kung anu
nalang yung maisip ko na medyo mkakarelate dun sa sentence na pwede mag replace dun
sa 1 or 2 words na namiss ko e yun ang sinasabi ko, tingin ko mas importante yung fluency kung paano mo sabihin yung sentence.
Re-tell lecture:
Dito ganun pa din ginawa ko, sobrang focus, ang sulat yung mga key words na sasabihin,
yung pasulat ko parang text sa cellphone hehehe, puro shortcut, medyo mabagal kasi ako magsulat kaya puro shortcut words ginawa ko, tingin ko malaking tulong yun kasi
nung nagtry ako sa bahay ng offline practice exam, minsan habang ngsusulat ako e may
mga ma-miss na ako dun sa lecture, kaya pag narinig ko keywords sulat agad ng text type
word, i'm sure mget's natin yung sinasbi ko kasi gnun type ng text ginagwa natin sa
cellphone hehehe, tpos wag din marattle pag may namiss dun sa lecture ang balik focus dun
sa current na sinasabi, nangyari kasi sakin yun hehehe.
Answer short question:
Bali dito, medyo kinapalan ko na mukha ko hehehe, hindi na ako nahiya sa makakarinig,
kahit tingin ko minsan barok yung dating hehehe, pinilit ko maglagay ng accent hehehe,
hindi ko alam kung helpful yung pglalagay ng accent, pero naisip ko madali lang lagyan
kasi nga 1 or few words lang naman ang sasabihin 😃
Anyway, eto lang ma-share ko kasi dun sa ibang exam mas madami pang mas magandang
tips dito hehehe, again I'm just sharing this to give or boost some self confidence on some
of us who the scheduled and planning to take the exam. Again this is coming from a guy
that's not that good in English hehehe, again i shared this tips because it had worked for
me, but i'm not saying that it will also work for others, but i thinks it's worth the try hehehe
Tiyaga lang mga kapatid!!! Tiwala kay papa Jesus!
Salamat salamat!!!!