Hi.
Just want to thank this forum. I took the PTE Academic exam last August 10 in Makati and nakita ko yung forum na ito mga 2 days before the exam. hehe. I was able to get some insights and tips that helped me rin get my target score. ๐ I just want to share some observations regarding the test experience for those who will take the exam for the first time. These were probably posted na rin, but I could not backread sa buong thread. ๐
 
Sobrang dami ng test-takers. More than 40 kami sa 2:15pm time slot ko. Pero around 10 lang per room.
 
2:15pm ang slot ko, pero mga 2:05pm pa lang e nag-exam na ako. Pagdating mo e may pila na and i-pa-process ka na nila and then derecho exam na after. Dumating ako sa exam center ng 1:15pm.
 
Pagpasok mo pa lang e off na agad ang phones. Hindi pwede gumamit ng CR until ma-register ka muna.
  
Di raw allowed ang naka-jacket (or may hood lang ang bawal?) sabi nung isa na pinabalik sa pila. Di naman masyado malamig sa loob pero nag-polo with undershirt ako para sigurado.
 
Bawal daw ang mga bracelets, relo, religious items, lucky charms, anklets, etc. Pati tissue at panyo at tubig bawal din.
 
Tama nga yung comments na rinig mo yung mga katabi mo while taking the exam. Pero di naman din masyado, although distracting kung papansinin mo. Ang ginawa ko na lang e medyo tinaasan ko yung volume ng headset.
 
Allowed ka lang daw magsulat sa paper mo pag nag-start na yung first item sa exam.
  
Nakalabas ako ng building mga 4:10pm. Then 6:38pm pa lang e may natanggap na akong message na may result na rin. Sobrang bilis pala ng result.
 
I guess e mas forgiving ang scoring/grading sa PTE compared sa IELTS. ๐
  
These are just based on my personal experience when I took the exam in Makati. I just posted these for those who want to know what to expect during the test day. Medyo nagulat ako sa experience since ibang-iba sa experience ko when I took IELTS before.
 
By the way, hirap maghanap ng parking. Eventually e sa may RCBC building na lang kami nag-park (Basement 7). 110 pesos lang ata ang binayaran namin.
Good luck. ๐