@DreamerG said:
@robinsyreyes said:
@DreamerG said:
@robinsyreyes said:
@enrico0919 said:
This is my 3rd time I took the exam. saan kaya ako ngkakamali, S 68 L 80 R 79 W 82.. Sa ngaun nandito ako sa middle east kumukuha ng exam. Same lang din ba kung saan ka ngtake na medyo mahina ung volume during nung practice recording bago mag start ang exam?? Tapos nung 2nd take ko, nasagot ko 9/10 sa RS pero 71 lang score ko sa speaking. Parang ayaw ako palampasin ng 71. May problema ba kaya testing center or may problema ung headphones. Sinubukan ko na malakas ang boses at mdyo mahina bakit ganun pa din score ko.
Practice na lang siguro bro sa clarity, intonation, speed, pauses/ stops. If nag aaverage sa 71 highly unlikely na equipment issue.
Question lang po, correct po ba na mag focus ako sa fluency at pronounciation instead of content. Mostly po nung nag practice po ako ng RS, almost half lang nakukuha ko pero mas mataas nakukuha kong score sa AI practice dahil sa fluency, instead makuha ko lahat ng words pero medyo may hesitation at pause..
In my experience, yung fluency, pronunciation nagdala sa speaking ko. Alam kong may mga mali akong sinabi during the speaking part pero nakakuwa pa rin ako ng 90. Confident ako sa fluency ko, clear un sinasabi ko, tama yung pauses. May points un complexity ng words pero mas impt un fluency in my case. Basta maintindihan yun sinasabi mo and tama yung flow.
Napaka challenging nga po ng RS, parang pag less lang po ang nakuha dito parang tingin po ang laking apekto sa scoring.. pero sabi nga po nila, pronunciation at fluency ang malaking factor.
Kaya mo yan bro, makuwa mo na yan next time. Practice lang, record mo sarili mo tapos re-watch mo tignan mo kung san pwede magimprove. Sabi nga din ng iba, kahit Mejo OA un pag sabi mo ng words na may tamang highs and lows, parang story telling. Kapag na blanko ka, tuloy lang sa salita kahit imbentong words para lang madetect ng program na continous pa rin salita mo. Good luck