Hi! I just want to share my experience as a 1st time taker ng PTE academic exam.
Makati ACE testing center.
Venue: tahimik naman yung environment, hindi dinig yung mga sasakyan sa labas unless yung mga naka bigbike ang dadaan. Saka di mo na din yon mapapansin kasi dapat mong mag focus sa exam. In my case hindi naman masyadong kalakasan magsalita yung mga kasama ko sa room. Kung marinig man, hindi sya distracting. Nasa 8 examinees siguro kami sa room na sabay sabay nagstart. Also, 30mins before the exam dapat nandun ka na sa venue. Mababait at approachable yung mga staff. Nakapag exam kami ng walang mask.
Headset and microphone: Andrea headset yung gamit nila. Noise cancelling talaga. Maganda naman yung output hindi dinig yung mga katabi mo. Kaso nasanay ata ako sa logitech H110 (ito yung ginamit ko na pang practice na headset para sa laptop, kasi pag ordinary earphones lang mababa magbigay ng result si apeuni) si logitech kasi parang mas crisp yung output nya. Pero si Andrea okay naman. Nakailang test ako sa mic, kung ano-anong position pero halos pareho lang din, parang medyo kulob yung output. Overall, itama lang yung positioning para hindi madinig ng mic yung hangin pag nagsasalita ka
Speaking - ang technique ko dito ay to sound like a news anchor. Yung sakto lang, wag naman OA. Natural na po sakin yung malakas ang bunga- magsalita at ng mabilis. Basta practice lang everyday sa kung saan ka maging comfortable na tone/speed. Use jimmyssem's background noise pag nag ppractice ka din. Yung naririnig ko sa likod ko template din oppa ang gamit.
RA - mga nasa 2-3sentences yung babasahin. Yung mga words na medyo nabubulol ako inuulit-ulit ko para pag on na yung timer, alam ko na sya. Pwede nyo na isulat yung template nyo para sa DI,RL sa sheet dito habang prep time. Dun sa pang 5th question ni-loose ko na sa takip yung pen para in case na mag RS agad madali makuha para magsulat.
RS - I write every first letter of each word. Di ko man masulat yung buong sentence, eh at least half. Remember, pronun at fluency ang mas importante dito. Meron nga akong 2 questions na parang first 2words lang natandaan ko tas language language nalang nasabi ko sa taranta.
DI & RL - jimmyssem and anusha
The given image/lecture is about
Firstly, we can clearly see in the image that...
Finally, keyword and keyword and also about (rpt) /
Firstly, we heard from the audio that...
Finally, the speaker talked about keyword and keyword and also about (rpt)
SWT - 2 sentences connected with ", and"
SST - anusha.
WE - jimmyssem. Practice lang ng practice hanggang sa makuha mo yung tamang words na if-fit mo sa template. Feeling ko may mga di ako napansin na maling spelling dito kaya wag nyo ko gayahin hehe
FIB - merong isa na lumabas from apeuni. Practice a LOT. Need mo talaga mag focus dito, meron akong part na sabi ko "Lord, ilapit mo yung mouse cursor sa tamang sagot please" hahaha
RO - kung ano yung unang pumasok sa isip ko yun na agad, di ako masyadong nagtagal kasi may FIB pa ulit na sunod.
Listening - Multiple Choice, pinakinggan ko naman mabuti pero feeling ko dito halos yung mali ko. Wala siguro ako naitama haha. Merong part dun na ang hina ng audio pwede nyo naman imax yung volume pag mahina kasi hindi pare-pareho yung volume ng bawat audio kaya siguro na-bonak na ko dito.
FIB-L - click mo na agad yung textbox sa 1st question para mag ttype ka nalang, tapos yung mouse cursor mo place mo na sa next textbox para after mo magsagot cclick mo nalang then repeat.
WFD - saktuhan lang yung haba ng sentence. Practice typing fast. Take note pag plural at kung past tense ang sinabi. Practice typing fast!
Hindi man kasing taas ng scores ng iba na 90 sa lahat, I'm very happy with my result for my first try. Basta superior! Pinaka main na reviewer ko is apeuni and jimmy's template. I think worth it naman yung pag sub sa apeuni. Sulitin ang mock test at ang bayad!
Thank you din sa mga tips na nabasa ko dito kahit last two days ko nalang nabasa yung iba. See you in OZ!
