PTE done! jusko lorde. yung stress ko. nagkasakit kami days before the exam! ;[ negative naman sa covid, pero ubo sipon lagnat! halos maiyak na ako. naisip ko na ipacancel kaso ang mahal din kasi!!! php 20k+ dalawa kami. tinanggap ko na din na baka bumagsak kami pareho kasi bedrest kami before the exam, wala ng review o check check. kaya sabi ko, mag exam na kami, bahala na bagsak basta may score. para makapag EOI na din. sabi ko, pwede naman umulit.
lo and behold, this is my husband's score:

di ako naka superior mga ante :'[ pero okay lang! basta naka superior sya hehe. ulit na lang ako in future siguro.
nag hotel pa kami malapit sa exam centre para di kami mastress. nag grab pa nga papunta! HAHA para di hingalin at mapagod. sabi kasi samin ni doc, magpahinga lang kami, full rest ng 7 days!
anyway, wala pong ginamit na template husband ko. di rin sya nag review o mock test.
ito lang mga sinabi ko sakanya:
ininform ko sya ng format ng exam
magsalita sya after 0:01 second
magnext na sya agad kung tapos na sya sumagot, wag na antayin maubos yung time
i, on the other hand, grabe yung kaba ko! ang ingay pala talaga sa speaking part hahahaha. medyo na intimidate ako magstart. sumablay din ako sa repeat sentence kasi ang ingay talaga HAHAHA nawawala ako sa focus.
sabi nya, madali lang daw yung exam kung alam mong confident ka sa english skills mo. (edi sana lahat confident!) medyo nainis pa ako na sa amin dalawa, ako yung todo review at practice bwisit hahaha
ayun, napa MMK pa tuloy sa haba ng share. thank you po sa lahat ng tips na nabasa ko sa thread na to! mahal ko kayo. charot! EOI naaaaaaaa!!!!