@dryice213 said:
hingi po sana ko review habits at diskarte. medyo busy po sa work as IT at madalas OTY kaya naisip ko po maglaan ng at least an hour a day magreview.will that be enough? medyo mahina din po sa speaking at writing.
Hello. Ito yung ginagamit ko na reference na nakita ko lang din dito sa thread:
https://docs.google.com/spreadsheets/d/12KVRIftJdR_SZMVmGtL5JAIIKTWbYv9JtRwd5uHpejw/edit?usp=drive_link
IT din ako and may part-time job pa so around 12 to 13 hours per day ako nagwowork. Nag start ako by watching Sonny English videos para at least may kaunting knowledge about how the exam works and paano yung flow.
Next naman kinabisado ko yung templates for describe image, retell lecture, summarize written text, write essay, and summarize spoken text. Nung nakabisado ko na lahat, I tested them out sa APEUni without purchasing VIP yet. Goal ko lang is to see if tama yung templates na ginagamit ko. Mga 1 month din bago ko nakabisado lahat kasi nga wala akong time.
I purchased APEUni VIP around 3 weeks ago. Practice na lang ako ng practice since then. Ang goal ko naman ngayon is to build up the confidence to take the exam. I haven't scheduled it yet kasi ayokong mag cram ng aral pero syempre nag set din naman ako ng deadline for myself. Ang masasabi ko lang for us na wala masyadong time to review--do not rush the learning process. May days na makakapag-aral ka, may days din na hindi. That's okay. Tuloy mo lang pagrereview pag may free time ka until ma-feel mo na ready ka na mag exam.