@Iampirate13 said:
@australiacutie said:
Finally! After 5 tries! Very frustrated na ako after second take palang kasi I felt na dapat nakuha ko na agad ang superior considering na "parang" madali lang yung exam types ni PTE. Sarili talaga ang kalaban kasi nakaka-pressure especially hindi biro yung exam fee π’ kinukulang ako lagi ng 1 to 2 points, except one exam day ko na not feeling well talaga ako kaya bumaba ng todo score ko. I know start palang ito ng aming journey pero Thank You, Lord na agad! <3 
hello po may format po kau? pede po ako makahingi? any tips?
hi po! Very helpful na ginamit ko as guide si Nakul (yung Indian) Skills PTE Academic yung YT account nya. Hindi sya masyado complicated, more on techniques tinuturo nya.
Listening - need to practice talaga dito yung WFD kasi malaki impact nya, ang ginagawa ko habang nag-sasalita tinatype ko na kahit mali mali spelling (di ako nakatingin sa monitor while typing, kelangan mabilis para dere deretso) basta lang maitype ko at magka-clue ako anong mga words ang nabanggit tapos nirerecall ko nalang, if that will work for you din po.
Reading - aside from Read Aloud, yung mga Fill in the blanks ang malaki impact, di ako masyado nag focus sa Multiple Choices ,nakaka-tagal kasi to lalo kapag natapat sayo mahabang paragraphs (even nga daw manghula ka lang dun walang effect sa scores)
Speaking- sa RS dito ako alangan talaga medyo natataranta ako pag mahaba yung sentence (tip ni Nakul dito basta maka 50% and above ka ng sentence mula simula then ayos ang Fluency and Pronunciation, okay na. Ang ginawa ko if mahaba sentence pinuputol ko na if di ako sigurado sa dulong mga words para di na mautal, yung tono dapat as if tapos na yung sentence, ganun.
Writing - medyo nag-petiks ako dito kaya bumaba score ko. Though maalam naman ako gumawa ng essays, nag-play safe ako inuulit ulit ko lang dati yung pag-banggit ng topic para humaba (pumapasa naman) kaso recently hindi na gumana (on my end ito ha), yun yung reason ng last retake ko. Consider nyo na yung content, grammar, and spelling.
Nahirapan ako pag-sabay sabayin sila ipasa huhu, siguro kasi mas nangibabaw yung pressure sakin. Nitong last take ko talagang nag-push na ako. Nag-pray din ako kay St. Jude (na hindi ko nagawa nung mga previous takes ko hehe)
Another tip pala, may recent update si PTE, iba na UI nya, lumiit ang fonts then iba na yung way ng pag-check ng equipments dun sa umpisa. Same format padin naman when it comes to the exam itself. Nakaka-distract din ng sobra yung beep sound ngayon soafer OA. (may beep sound na sa RS) As in nakaka-yanig ng tenga. Wala pa atang site na pwede pag-practisan ng ganun na may beep sound kagaya ng recent update, kaya be ready nalang. Good luck po! Sana 1 take kuha nyo na!