@sc_march bro hindi sya additional category. Diba sa mga mock tests online/offline, ang answer short questions eh audio lang tapos may tanong? Dun sa exam ko kanina may graph at table pa at dun mo hahanapin yung sagot. So hindi na lang sya based sa stock knowledge.
Akala ko nga describe image pa rin eh, napa "WTF" nga ako kanina eh pero kalma lang talaga at sinagot ko nlng.
Also, dun sa exam ko may mga sections na hindi sumunod sa chronological order. For example, sa reading dapat una ang multiple choice, single answer followed by multiple choice multiple answers. Sa exam ko, nauna ang fill in the blanks. So kahit na memorize mo na yung format, importanteng basahin mo pa rin yung instructions at wag magpadalos dalos.