Hello, guys! ngayon lang ako makakapagreport sa inyo ng resulta ng PTE exam ko. Nagkasakit ako right after ko magexam. Haha! dumugo ang ilong ko sa mga ibat ibang accent. Bumigay din ang katawan ko after ng mga puyat days and tension sa exam na ito. Pinilit ko yung 1 week na preparation for this exam. I grabbed the opportunity nung biglang naging available yung Aug 22. Nagbabakasakali na makaabot before magkatapusan habang di pa naguupdate ng list yung state kung saan ako pwede. Unfortunately, sumabit ako sa speaking. Ito yung scores ko :
L/R/S/W - 67/77/56/76
Ito yung mga napansin ko:
Sa Reading, mas madali sa actual exam. Kasi never ako pumasa sa mock tests sa reading. Hindi ko pa natapos yung reading kasi naubusan ako ng oras. Pero sya pa yung pinakamataas kong nakuha sa lahat (sana sa susunod kong pagtake, panindigan na nilang madali talaga ;P)
Sa Listening naman, sa highlight incorrect words, dahil nga mabilis magsalita yung iba, pag di ka nakasunod agad, or masyado ka nagfocus sa isang part, hindi ka na makaksunod dun sa iba. kaya di mo na din alam kung may mali na ulit sinabi. Dapat talaga sundan yung nagsasalita. Need din talaga sanayin ang ears natin sa mga Australian and British accents.. nakakaloka sila.
Sa Writing, ang napansin ko, hanggat kaya imaximize yung 300. Kesyo bola bolahin na ang essay. Di ko na nga alam mga pinagsasabi ko dun. Pero di ko din kinaya yung 300 words. hanggang mga 210 lang ata ako. Di bale, sa sususnod kakarereen ko na yung 300 words na yan π By the way, isa lang pala napunta sa aking essay.
At ang Speaking.. huhuhu! nataranata ako sa describe image nung may pinakitang map ng Australia na walang ka-label label. tapos majority ng color nya yellow orange. may konting konti orange at red orange. pero parang di mo na nga sya mapapansin.. dahl sobrang konti. tapos ang legend lang nung image na yun ay yung mga squares na kulay yellow orange, orange, red orange. tapos may thousand thousand numbers.. Density daw. Wala ako masabi dun. As in. nablangko na ako. :-O
para kasing kahit gamitin ko yung mga template dun, ay hindi uubra.
Isa pang ikinaloka ko yung Re-tell Lecture. hindi ko din kaya pagsabayin yung nakikinig tapos nagsusulat.. nawawala ako.
May isa pa akong maling nagawa. Sumasagot ako kahit hindi pa recording yung status. So by the time na nagbeep na habang nagsasalita ako, uulitin ko yung sinabi ko pero parang may kasama ng taranta. Kaya para akong nagmamadali sumagot tuloy. tapos inuulit ulit ko pa. Kasi nga nataranta na. Sa Answer Short Question ata yun.
At dahil tension na tension ako, hawak ako ng hawak sa mic.. ewan ko ba.. :-SS
Ayun lang po.. Sana po'y maging aral sa inyo ang mga pagkakamali ko.. Wag pong tularan.. X_X
At nawa'y palarin sa susunod kong exam