@cnel_26 Sa speaking, iwasan mo lang talagang magpa-distract sa iba. Yung iba kasi tlagang sobrang lakas ng boses pagkausap yung mic kaya nakaka distract talaga. Pag nawala ka sa momentum, make sure na makaka recover ka dahil after 3 seconds, sarado na yung mic.
Aside from that, make sure na may templates ka para pag wala ka na masabi, stick to your template. Kumbaga, ito yung pang recover mo pag na-distract ka sa iba at filler na rin pag wala ka na masabi. Make sure lang na yung filler mo is related pa rin dun sa section ng exam.
Iwasan mag "umm", "ahh", at "hmmmm" kasi nakakabawas ata ng score yun. Gaya ng sabi ng karamihan dito, dapat parang reporter ka magsalita. Make sure na derederecho ang salita, tama ang pronunciation at diction para mag register ng maigi sa computer.
Walang pake-alam ang computer sa accent, so wag mo na artehan. Hindi lahat ng accent ay tama lalo na kung pa-slang na ang pagkakasabi. Stick to the proper pronunciation lang. During practice, if may word na mejo unfamiliar, i-google mo lang kung ano yung tamang pronunciation para sure.
At bago ka mag simula, i-test mo ng maigi yung mic mo. Verify mo if maganda yung register ng boses mo. Pag choppy, papalitan mo yung mic. May iba dito nadadale dahil sa technical issues.. mas ok if ma-eliminate mo yung mga bagay na pwedeng gawan ng paraan before you even start your exam.
Sorry napahaba hehe..