Sobrang nagsisisi ako na hindi ko binasa ng buo ang thread na ito bago ako mag-take ng PTE-A exam.
Share ko lang experience ko para gumaan yung loob ko. I took the test last September 16, Friday. Nakuha ko yung result kagabi. At sobrang baba ng nakuha ko sa speaking, 72 lang. Sobrang baba din ng Oral Fluency ko.
Nagpa-book ulit ako ng earliest possible date which is October 12 na. This time gagamitin ko yung tips na nabasa ko lalo na from @xiaolico
Looking forward din po pala na makakilala ng same yung pinagdadaanan sa case ko.
Need at least 79 sa lahat para makakuha ng 20pts for Skilled Migrant Visa application. Aiming for 65 po kasi okay na yung assessment ko from Engineers Australia (15pts) at yung 30pts naman ay galing sa Age factor.
Looking forward po na may makilala ako para kahit papaano di ako masyadong mapraning. Lol.