eking hi question po sa mga nakapagtake na ung repeat sentence po ba mabilis? kasi sa mock exam ang bilis nung repeat sentence di ko halos maintindihan ung sinabi
rich88 @eking same lang yung mock sa actual. Ganun talaga kabilis kaya need mo mag focus mabuti, intindihin mabuti yung sentence, tapos repeat it verbatim hanggang sa abot ng makakaya mo.
eking @auditdreamer thank you nataranta kasi ako nung mock exam ambilis nung repeat sentence tapos after nun di na ako makapag concentrate sa ibang section ng exam
Heprex @rich88 @auitdreamer pede makahingi ng materialsmpo, lalo na sa may mga template like describe image?? maraming salamat.
rich88 @eking pag may na-miss ka sa actual exam, wag mo na dibdibin. Tapos na eh saka wala ka na rin magagawa. Focus ka na lang sa subsequent parts. @Heprex backread ka sa page 165+. Alam ko pinost ko dun yung link sa google drive.
eking onga eh @rich nagulat lang din kasi ako ambilis tapos parang robot ung boses hindi ko inexpect na ganun...pero ngayon practice na lang ulit...halos magkaboses ung sa PTE lab (youtube examples) dun sa mock exam....ganun din ba ung boses nung sa actual exam?
rich88 @eking oo. ganun din. Almost same lang yung speed at length. Be prepared rin sa iba't ibang accent. Halo ng american, british, aussie. Gaya ng sabi ng iba, imbes na TV Patrol/24 Oras panoorin mo, BBC/Reuters/CNN/Al Jahzeera na lang hehe.
jample @rich88 Hindi po. Sa atin po ako nakagraduate. Nakakuha po ako ng Temporary Skilled Visa kasi recognized po ng Australia ang Engineering graduates ng UP. Ayun po.
auitdreamer @Heprex Eto yung mga ginamit ko para magreview: http://ieltsadvantage.com/writing-task-2/ para sa writing tips, practice topics at Write Essay template Practice tests and scored mock test sa www.tcyonline.com para sa reading at repeat sentence practice (pero aralin muna yung mga strategy/technique bago magbabad sa practice tests) E2 PTE Webinar YouTube videos para sa tips sa "Summarize Written Text", "Describe Image", "Reading: Fill in the Blanks" at "Speaking: Read Aloud" Mismong scored mock tests galing sa ptepractice.com Lesson kung papano magsulat ng paragraph sa e2learning.com under PTE. @jample Kaya mo yan! ๐ @trixie@yahoo.com Haha girl po ๐
trixie@yahoo.com @auitdreamer ah ok sorry baka na misterpret mo, girl and boy daw kasi kasabay niya, di niya alam kung sino ka dun.. thanks thanks still waiting pa din kami...
auitdreamer @trixie@yahoo.com Hehe! Ok lang ๐ Naisip ko din na malamang yun nga yung dahilan ba't ka nagtanong ๐
Heprex @auitdreamer Thanks mate! Already got item 3 and 4. Will start using those in 1, 2 and 5. Thanks. ๐