Hello po ulit. Subukan ko po magbigay ng tips based sa whole PTE experience ko. I hope somehow makatulong po ito sa inyo.
Share ko po muna yung naging experience ko sa bawat take ko.
PTE EXAM 1- September 16, 2016
L 74 R 76 S 72 W 89
G 87 OF 58 P 83 S 90 V 74 WD 79
Sa unang exam ko, natapos ko po ireview ang Test 1 and 2 sa McMillan at yung buong offline practice from PTE website. Tapos hindi po ako nag-check ng mic ng todo, parang dalawang beses lang tapos tumuloy na agad ako sa exam pagkatapos kong marinig na narerecord naman yung boses ko. Yun yung isang factor na naiisip kong reason kaya sablay ako sa Speaking nun kasi malaki ang chance na puro hangin. Normal lang po yung ginawa kong pagsasalita dito pero mababa parin ang score ko.
PTE EXAM 2 - October 12, 2016
L 80 R 78 S 63 W 90
G 90 OF 56 P 64 S 90 V 90 WD 79
During may 2nd take, saka ko lang nadiscover po itong forum. Nagbasa ako ng ilang araw para makakuha ng techniques at tips. At ginamit ko po lahat ng nakuha kong tips during my exam. Sobrang intense din po yung ginawa kong preparation dahil nagkataon na may shutdown kami sa work, so nakapag focus talaga ako sa pagrereview. Natapos ko din po ang buong McMillan, PTE Offline test at lahat ng Webinar ng E2.
Pero sablay parin, lalo na sa Speaking na bumaba pa lalo yung score ko. Compared sa una kong take, nag check ako ng mic ng todo. Iniba ko rin yung style ko sa Read Aloud, inemphasize ko lahat ng words at nilakasan ang boses, which really affected my score sa Speaking lalo na sa Oral Fluency.
PTE EXAM 3 - November 2, 2016
L 90 R 90 S 90 W 90
G 90 OF 90 P 90 S 90 V 90 WD 90
Dahil feeling ko nagawa ko na lahat, muntik na ako mawalan ng pag-asa. Pero sinubukan ko parin po lahat ng options. At nag practice parin ako ng todo. Nag-register din ako sa one-on-one session para ma-address kung may ginagawa akong mali sa Speaking kasi yun talaga ang naging struggle ko. Ayun, sa tulong ni Lord at lahat ng nagpray for me, nakuha ko na po yung desired scores ko.
TIPS. (Pagpasensyahan niyo na po medyo wala akong talent sa pag-eexplain na mala-teacher ang dating, so please bear with me)
SPEAKING
Ang pinakamataas na marking po daw sa Speaking ay makukuha sa Read Aloud at Describe Image. So ayun po ang naging focus ko sa pag-iimpriove ng performance ko. Practice din po ako ng practice kahit during the day, nagbabasa ng mga nakikita kong passages sa paligid at nagdedescribe ng mga image na nakikita ko din sa paligid. Parang baliw lang, pero effective po talaga. Malaki po yung difference talaga pag todo ang nagiging practice.
Read Aloud:
Normal speaking voice lang po ang ginamit ko. Walang intonation. Ang turo sa akin, para ka lang nakikipagtsismisan sa katrabaho mo inside ng office pero ayaw mong marinig ng boss mo. Hindi kailangang malakas ang boses during exam, ang importante narerecord ka ng maayos. Ang ginamit ko pong position ng mic ay sa may level na halos ng ilong (based po ito sa tip din ni @batman ), dun ko po kasi nakuha yung recording na walang hangin. Sa way ng pagbabasa naman po, medyo mabilis po sa usual pero maintained lang ang intonation, mababa lang po lagi, tapos mabilis kasi hinahabol po naman yung mataas na marking in terms of Oral Fluency.
Describe Image:
Importante po na tunog confident po kayo. Tulad ng nasabi na ng iba, dapat tuloy-tuloy lang po at walang hesitations. Importante na sa at least first 2 sentences niyo, super prepared kayo. So dito po pumapasok yung templates. Pero sa case ko po, nung 2nd take ko kasi nag templates ako sa buong Describe Image ko, pero nung last take ko ang ginawa ko po, as much as possible, nirereconstruct ko yung title or information about sa image para makagenerate ng first few sentences, then pinapasok ko nalang po yung templates pandagdag. Ang tip din po sa akin, ang mahalaga tuloy tuloy lang yung pagsasalita, natural lang ang intonation at wag masyadong magfocus na mamention lahat ng details. Ang importante po ulit, Oral Fluency, at walang madetect yung computer na hesitations or paghinto sa way ng pagsasalita. Once na medyo di na kayo sure sa sunod niyong sasabihin or napahinto na kayo ng medyo matagal, mas maigi po na mag-next nalang at di na tapusin ang time.