Congrats sa lahat ng mga nakapasa na! Para sa ating mga di pa nakakapasa pa, let's not be hard on ourselves. Let's keep going and try again. Makukuha din natin yan. Although nakaka-drain sya ng resources. I guess normal lang na ma-frustrate din. But I'm planning to take the exam again soon. π
I just want to comment dun sa move na makuha yung # 1 room. Maybe it's not fair to advise na unahan makuha yung number na yun para mapunta sya sa room 1, kahit may ibang naunang dumating. Lets practice fairness and respect. Siguro lahat naman tayo nagpilit gumising ng maaga para makarating sa tamang oras ng exam. Pero kung talagang matagal siyang magbasa nung guidelines, kayo na po ang mag-decide. Hehe. Just saying lang po. π
But to be honest, kahit nasa station 1 ka, maririnig mo pa din lahat ng mga nagsasalita. Open door yun at maybe two steps away from cubicle 2. I took the exam more than once, both in room 1. Dahil talagang maaga po ako dumarating, lagi ako ahead sa ibang examinees. Nung first time ko nga nakasabay ko pa yung exam invigilator sa elevator haha. Kala ko examinee din sya. But on the next time I took it, di ko na tinapos binasa instructions kasi alam ko na laman, kaya ako pa rin nauna kumuha dun sa #1. But still, I failed. I think dahil kinakabahan ako while taking the exam at hirap sa concentration. I have problem with oral fluency.
The templates I got here are useful. Nag-improve ng konti yung score ko sa speaking. But I noticed when I wrote down the template while testing the mic, parang nakulangan ako ng oras sa dulo. Akala ko may three minutes pa ko sa Listening, based on the time projected on the screen, pero bigla ako naputol, nag-end ang session. Not sure kung naka-affect yung hindi ko pag-start agad. But I maybe wrong.
Sorry for the long post. π