Hello everyone!
I took the exam kahapon and I finally made it! Thank you kay @xiaolico @Ozlaz @albertus1982 @Kris_New and sa lahat ng nagtiyagang sagutin ako dito sa forum.
Daghang Salamat mga higala!
Tips ko po for those na magtetake pa...
Speaking - Follow the template. Yung pinost ni @Ozlaz . Yung ginamit ko. This way, ang iisipin mo na lang is yung sasabihin sa body. Move your hands. Parang nagdidiscuss ka sa harap or parang nagrereport ka. Super effective sa akin. Maiiwasan mo ioveranalyze yung sasabihin mo or babasahin mo sa read aloud. Nakakarelax rin para lang may kausap ka or nag-eexplain ka sa friend mo. And don't read slow. Panay tanong ko rin sa mga nagtake na kung ano ang dapat speed ng pagsasalita and sabi nila...usual lang daw. True enough, mas ok nga if usual speed. Like nangangalahati pa lang ang timer, tapos na ako magsalita. Don't worry too much sa pronounciation mo word for word. The more you emphasize the wordsm the more babagal pagsasalita mo. Sa repeat sentence, close your eyes and concentrate lang po. Focus muna. Wag madistract.
Reading - Medjo weakness ko rin to. Aral lang guys. Practice practice practice. Maraming tips sa net sa rearrange sentences. Tapos dun sa choose the correct answer or yung may maraming answers, read mo yung whole text. Tapos odd one out ka. Yung iba obvious so atleast dun pa lang mababawasan na choices mo. Then if nalilito ka...check mo yung possible answers mo. Saan dun ang parang rephrase portion lang ng text.
Listening - Listen intently lang po. Tapos write everytime nagsasalita. Practice nyo lang yan. Don't wait for the recording to stop before you write. Keywords lang din.
Writing - Nagielts na kasi ako kaya medjo di na ako nahirapan dito. Follow nyo lang yung format ng IELTS. Intro - (sa last part nilalagyan ko ng "The reasons will be discussed in the following paragraphs." or something along the line. Hehehe) Tapos Fist, blah blah blah
Second, blah blah blah Finally, blah blah blah... Dun sa summarize written text, iparaphrase nyo lang yung thought ng paragraph. Wag nyong icopy past yung sentences ng paragraph ha. Yung thought lang talaga. Madalas nasa conclusion yan nakalagay so read nyo yung carefully.
More importantly, PRAY PRAY PRAY. Trust in God kasi kahit anong aral mo if walang prayer, wala rin. In less than 10 days nakaya kong magreview pero more than 50% ng time ko I spent praying the rosary, attending masses or novena kay St. Jude. Hehehe...
Tapos pala... Wag muna magdota. Focus sa study. Haha
If may questions kayo, ipm nyo lang ako or ask me here baka makatulong po ako. Tulungan po tayo dito. Kaya natin to!