I finally got the results, medyo unexpected na naperfect ko ang speaking kasi during the test may mga namiss ako sa repeat sentence tapos sa read aloud naman may mali akong nasabi pero tuloy tuloy lng pagsasalita ko kahit ganun. Kahit sa describe image at retell lecture nablank ako at certain points, pero sinunod ko lng yung sinabi ng iba na keep on talking and never stop until the time hits 35 seconds.
Although mataas ang expectations ko sa writing kasi feeling ko nagawa ko ng maayos ang 2 essays which are both more than 250 words and feeling ko coherent naman ang mga paragraphs. 4 lahat ang nagawa kong paragraphs (Topic sentence, point 1, point 2, conclusion). Pero anyways, okay pa din naman ang score ko.
Sa reading, ito yung kinakabahan ako ng sobra kasi mahina talaga ako sa part na to. Pero swerte siguro kasi madali ung mga questions na napunta sakin. hehe. Ang secret lang sa part na to is proper time management. Don't spend more than 3 minutes sa isang item. I followed this technique kaya sakto lng time left ko nung sinasagutan ko na ang last question.
Sa listening naman nagover ako sa word count dun sa summarize lecture. Umabot ng lampas 100 words nasulat ko. Ang instruction ay 50-70 lng. Di ko na napansin at nawalan na ako ng oras para irevise pa. Ginawa ko kasing coherent ung sentences kaya natakot ako na burahin lng isang sentence para masakto ang word count. Tapos medyo mahirap ang spelling sa fill in the blanks. hehe
Anyway, overall, I am satisfied with the results naman. 65 points lang naman kasi expectations ko. I am very thankful sa thread na to. Dito lang din ako kumuha ng mga insights pati na rin sa e2language.
<b class="Bold">Scores Summary:</b>
L=73
R=80
S=90
W=70