My turn to share my tips and experiences since this thread and the members helped me so much in attaining my scores. Thank you all sa pagsagot sa mga tanong ko and grabe, ang dami talagang tips dito na gumagana sa actual test.
Firstly, the review materials I used were Macmillan, Pearson Practice Test Plus and yung CD with 3 practice tests. E2 Language youtube channel definitely has some good tips especially sa re-order paragraph. I bought the gold kit from pearson website and I used the mock tests 3 days and 2 days before my actual exam. Here are my mock results:
Listening 73 - 74
Reading 74 - 71
Speaking 62 - 60
Writing 77 - 76
Grammar 83 - 82
O.Fluency 59 - 55
Pronun. 57 - 43
Spelling 69 - 84
Vocab. 85 - 87
Writ. Disc. 90 - 90
Sa 1st mock test speaking score, medyo mabilis ang pagsasalita ko tsaka marami akong utal utal sa pagsasalita. Sa second naman, I thought I did better pero ganun parin and worse mas bumaba. The rest, I didn't mind kasi based sa mga mock test scores ng members dito, normal ang ganyang score. So I just moved on.
Next are my experiences on the actual test. I took the exam here in Melbourne Polytechnic and ang lawak ng room. Cubicle type sya and we were 9 test takers I think. The proctor set up my pc and the first thing I did was to test the headset. Three times ko chinceck. Dun na rin nagstart magbuild up ng noise from other test takers. The position of my mic is in front of my nose siguro mga 3 cm away. Basta make sure na clear yung voice mo sa recording and di naririnig yung other noise. May static noise akong naririnig nun pero mahina lang which I think was normal. Then, I clicked next.
Speaking 90/90
Dito nagworry ako kasi sabay sabay nagsasalita ang mga tao tapos ang lakas ng boses nila. Mostly Indian mga kasabay ko. Pero I just focused sa screen ko. Uminom pala ako ng kape beforehand to improve my concentration. Read aloud, no problem. Straightforward and I used the remaining time on each preaparation to write my script/template for describe image. Then repeat sentence, for me increasing difficulty nya per item. Unang sentence ang dali, kala ko ganun na hanggang huli pero yung last 3 items dami ko namiss na items pero I made sure na fluent parin ako and correct grammar parin kahit imbento lang yung ibang words. Sa describe image naman, mostly bar graph nakuha ko. Ang special image lang na meron ay image ng 2 flags so I just improvised my script. Sa re tell lecture, mahaba ang oras ng lecture mostly more than a minute so ang technique na ginawa ko is write full sentences sa notes ko para derederecho na lang babasahin. Totally random key points lang ginamit ko and a generic conclusion. 35-39 seconds mga recordings ko sa describe img and retell lec. After answer short questions, nakahinga na ako nang maayos kasi finally natapos din.
Writing 81/90
I got 2 summarize written texts and 1 essay. The 2 summarize written texts had fairly easy topics. 30-40 words ko dito. Important to check grammar and spelling. Next is essay. My topic was about climate change. What area to focus daw and why and give examples. I was surprised because nasanay ako sa topics with 2 sides. Eh dito 1 side lang. Nahirapan ako gawing 4 paragraphs sya pero pinilit ko parin. Umabot naman ako 240+ words. Simple sentences lang ginamit ko. After every paragraph na matapos ko, I checked agad yung grammar and spelling para sa huli isang read through na lang. Naubos ko 20 minutes tapos pigang piga na utak ko dahil sa topic. I felt exhausted after that.
Reading 90/90
Dito ko na naranasan after effects ng writing section. Tapos dumagdag pa yung bumulaga sakin na 1st section: Fill in the blanks na reading and writing. I thought huli ang fill in the blanks eh haha. Madali naman ang reading section. Ang naging problema ko lang ay nag sspace out ako pag may nababasa akong di ko magets haha. Literal na natutulala. At dahil dun nagahol ako sa oras. Time pressured sya so manage time wisely. Tip ko lang talaga sa reading ay practice.
Listening 83/90
I didn't use the 10 minute break kasi feeling ko mawawala epekto ng kape. Nag stretch at huminga ng malalim then I proceeded. Similar lang dificulty sa reading and importante ang practice. Wala na akong maibigay na tip dito except magfocus lang talaga sa naririnig. Wag lilipad ang isip. Nabilisan lang ako sa pace ng section na to. Sa write from dictation wala ata akong naitamang full sentence. Tapos yung huli nagimbento pa ako ng bagong salita kasi di ko talaga nagets yung sinabi haha lol. Basta tama grammar at spelling goods na.
Conclusion ko is mas madali talaga ang actual compared sa mga practice materials na ginamit ko. Pero dahil sa mga yun, di ako naoverwhelm sa mga na encounter kong items. Confidence lang and always follow your instincts (dami kong unsure answers sa reading). Personally, I think my speaking is below average pero dahil sa practice, kaya naman pala. All the best mga kabayan.