@PMPdreamer - Sa reading part in general sa re-order paragraphs lang ako mahina based doon sa mga self practice test ko, so ito lang yung inaral ko talaga sa section na ito.
Then general tips na lang sa reading part:
Choose Single / Multiple answer - Kapag naintindihan mo yung article, for sure masasagot mo. So importante na maintindihan mo yung short article. Pero tip ko siguro, check mo muna yung question, para magka idea ka lang saan dapat mag focus yung attention mo. Most of the time kasi, extra details lang yung ibang part ng article.
Re-order Paragraphs - Importante makuha mo yung proper method, tapos kapag kabisado mo na, tsaka ka mag practice. Hindi mo din kailangan mag practice ng sobrang dami as long as alam mo na I apply yung method, wala naman kasing guarantee na same yung lalabas sa exam.
Ito yung method na nakatulong sa akin, before niyan wala akong proper approach kaya palaging mali mali or ang bagal ko sagutan --> www.youtube.com/watch?v=9c__V0SyQqc
Fill in the blanks - Kapag may mga hindi ka alam na sagot, skip mo lang, sagutan mo muna yung mga sure ka para kumonti yung choices. Tapos choose best answer na lang based sa grammar kapag hindi ka pa din sure.
Reading and writing - May mga items na nahirapan ako during exam, unfamiliar kasi ako doon sa mga words, so ginawa ko eliminate yung mga choices na obvious hindi tama, tapos choose best answer din based sa grammar kung hindi ka pa din sure.
HTH!