@aisleandrow salamat sa success story mo! sobrang nakakainspire. I almost gave up sa PTE. Actually, naggive-up nako talaga at sobra pagkadown ko last exam.. Feeling ko baka hindi will ni God, but then I realized na sobrang sayang yung mga efforts na ginawa ko and baka hindi ko pa talaga time dati. Ngayon nagbabalik review na naman ulit. Picking up the pieces. hehe
Salamat sa forum na 'to at sa mga iba't ibang kwento ng perseverance na nabasa ko. 🙂
Actually, ang prob ko na lang talaga e Reading..
Nov 22, 2016 - L76 R79 S88 W76
Jan 17, 2017 - L90 R75 S90 W90
Feb 07, 2017 - L90 R76 S87 W90
Akala ko nung last take ko nakuha ko na. Kasi para sakin ang dali. Yun pala hindi pa din! feeling ko yung mga collocations sa sarili ko tama, pero sa native speaker hindi. saka hirap din ako sa reorder pag mejo tricky na yung sentences.
@PMPdreamer @MissOZdreamer nakita ko po na reading din ang struggle nyo. Hindi pala ko nagiisa. Feeling ko ang bobo ko sa reading. hehe. Kaya natin to! I'm trying din magbasa ng ebooks para bumilis ang pagbabasa at pagintindi.
Sa lahat ng hindi sumusuko, saludo po ako sa nyo! walang aayaw!
Salamat din sa mga walang sawang nagbibigay ng tips lalo na yung mga nakakuha ng desired scores. Nawa'y makapagshare din ako next time. 🙂
God bless us all!